^

Punto Mo

10 Palatandaan …na nagma-marijuana ang teen-ager mo:

DIKLAP - Ms. Anne. - Pang-masa

Classic sign ng marijuana abuse: malaki ang pupils ng mata at laging namumula.

Nangangamoy usok ng sinunog na damo ang kanyang kotse, bedroom at damit. Kahit wala siyang anghit, mabaho ang singaw ng katawan niya.

May napupulot kang mga nirolyong papel sa kanyang kuwarto o nakasingit sa libro, wallet.

Laging inaantok at walang ganang mag-aral o gumawa ng kahit anong bagay.

May matatagpuan kang pipes, o homemade device para sa paninigarilyo. May malagkit na substance kang makikita na by-product ng sinunog na marijuana.

Laging nahihilo na may kasamang pagtatawa nang walang dahilan. Ito ang tinatawag na “bangag moment”. Kung hindi naman ay mabilis siyang makalimot kahit ilang minuto lang ang nakalipas ng pangyayari.

Tamad maglinis ng katawan. Bihira nang maligo at hindi na nagpapalit ng damit. Dati ay malinis siya sa katawan.

Malayo ang loob sa mga kapatid at magulang pero dati ay close siya. Nawala na ang dati niyang kaibigan na matagal nang kilala ng kanyang pamilya. Ang bago niyang kabarkada ay nakakadiskumpiyado ang mga hitsura at kilos. Laging siya ang dahilan ng pag-aaway ng magkakapatid sa loob ng bahay dahil naging mainitin ang ulo.

Mahilig magpausok ng incense; mag-spray ng air freshener o perfume sa bedroom o kotse. May itinatago kasi siyang amoy na hindi dapat maamoy ng kanyang kapamilya. O.A. kung gumamit ng mouthwash. Halos maubos ang laman ng bote sa isang gamitan lang. Paano may itinatagong amoy sa kanyang hininga.

May idinidikit silang sticker na 420 sa kanilang bedroom o bag. Code daw ito ng marijuana usage.

(Source: TestCountry.org http://www.testcountry.org/10-easy-signs-of-teenage-marijuana-use.htm)

 

vuukle comment

BIHIRA

DATI

KAHIT

LAGING

MAHILIG

MALAYO

NANGANGAMOY

NAWALA

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with