Bakit kaya, …bata pa, pero mukhang matanda na?
1. Expired ang make-up na ginagamit. Kapag luma na ang make-up, maraming bacteria ang naiipon dito na makakasira ng complexion. Basta’t may kakaiba na itong amoy at kumukupas na ang kulay, itapon mo na.
2. Natutulog nang hindi tinatanggal ang make-up. Kahit walang iniaplay na make-up, ugaliing linisin ang mukha bago matulog.
3. Mahilig uminom ng alak. Nakakatuyo ng balat ang alak. Upang maiwasan ang dehydration, uminom ng isang basong tubig per isang basong alcoholic beverage na iyong nainom.
4. Tubig lang ang iniinom mo. Eat your water too! Ang ibig sabihin, kumain ka rin ng prutas at gulay na good source ng masustansiyang juice. Ang tubig ay walang nutrients kaya hindi ito sapat upang makamtan ang magandang kutis.
5. Naninigarilyo. Ang usok ng sigarilyo ay nagtatanggal ng elasticity ng balat.
ï¬ï€ ï€ ï¬ï€ ï€ ï¬ï€ ï€ ï¬ï€ ï€ ï¬ï€ ï€ ï¬
Tips para hindi kaagad kumupas ang ‘hair dye’
1. Gamitin ang shampoo para sa kinulayang buhok.
2. Twice a week lang mag-shampoo.
3. Iwasang magpa-araw. Number one kalaban ng hair dye ay ang init ng araw.
4. Gumamit ng swimming cap kung maglalangoy para maprotektahan ang buhok sa chlorine at asin.
5. Iwasang gumamit ng hot rollers, flat iron at hair dryer dahil hindi lang ito nakakakupas ng kulay ng buhok kundi nakakalutong ng buhok.
- Latest