Ang French Tailor na gumawa ng sariling parachute, tumalon sa Eiffel Tower
BATA pa lamang ang French na si Franz Reichelt, ay gustung-gusto na niyang makalikha ng isang bagay na maaaring gamitin ng piloto para makaligtas sa panganib sakali’t nagkaaberya ang eroplano. Maski nang lumaki na siya at maging isang mananahi, hindi pa rin nawala sa kanya ang matinding obsession na makalikha ng kakaibang parachute suit.
Sa wakas, nakagawa rin siya ng parachute suit. Masayang-masaya si Franz sapagkat sa unang pagkakataon makikilala sa mundo ang isang French tailor na nakagawa ng kakaibang parachute.
Tinawag ni Franz ang sarili na “The Flying Tailor”. Nang handang-handa na ang lahat, inilunsad niya ang test run para sa kanyang inbensiyon. Ipinangako niya na gagawa ng dummy o kunwari’y tao na kakabitan ng parachute.
Noong Pebrero 4, 1912, ginawa ang test run sa Eiffel Tower. Pero sa pagtataka ng lahat, si Franz mismo ang nagsuot ng parachute. Hindi niya tinupad ang pangakong gagamit ng dummy.
Tumalon siya sa tower nanaka-strapped ang parachute suit. Tuluy-tuloy siyang bumulusok sa kamatayan sapagkat hindi gumana ang kanyang imbensiyon.
- Latest