^

Punto Mo

Namatay dahil sa sariling kagagawan

Pang-masa

SUMABIT ANG BANDANA SA GULONG NG KOTSE --- Sikat na dancer sa France si Isadora Duncan. Maganda siya. Ang kanyang mahaba at slender na leeg ay labis na hina­hangaan noon. Bagay na bagay sa kanyang pangangatawan ang mahabang leeg.

Paborito ni Isadora na mag­lagay nang mahabang bandana sa kanyang leeg. Ipinupulupot niya ito. Paborito niyang nakasuot ng bandana habang namamasyal sa mga lugar sa France.

Noong 1920, ipinasya niyang mamasyal sakay ng kanyang sportscar. Mayroon siyang sariling drayber. At gaya ng dati nakapulupot sa kanyang leeg ang mahabang pulang bandana.

Nang biglang nilipad ng hangin ang dulo ng bandana at sumabit sa hulihang gulong ng sportscar. Sa lakas ng pagsabit, nabigti siya at namatay noon din.

 

NAMATAY DAHIL SA DAMI NANG KINAIN – Mahilig sa pagkain si King Adolf Frederick ng Sweden. Noong Pebrero 12, 1771, isang masaganang pananghalian ang hinarap ng hari. Halos hindi na siya makatayo dahil sa kabusugan. Kabilang sa mga nilantakan niya ang lobster, caviar, at iba pang masasarap na pagkain na tanging hari lamang ang nakakakain. Uminom din siya nang maraming champagne.

Pero kulang pa rin sa kanya ang mga kinain. Naghanap pa siya ng himagas. Ang paborito niyang Semla (isang uri ng pudding) ang kanyang nilantakan. Nakaubos ng 14 bowls ng Semla si King Adolf.

Pero huling tanghalian na pala niya iyon dahil nagkaroon ng aberya ang kanyang digestive system. Hindi siya natunawan dahil sa dami ng kinain.

BAGAY

IPINUPULUPOT

ISADORA DUNCAN

KANYANG

KING ADOLF

KING ADOLF FREDERICK

NOONG PEBRERO

PABORITO

PERO

SEMLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with