Marvin pinagtatawanan sa siomai at siopao
Niresbakan, Jay Sonza durug-durog sa ginawa kay Bimby!; Angelica pathetic na sa mga parinig!
SEEN: Umalis agad si Piolo Pascual sa presscon kahapon ng Meet Me in St. Gallen para hindi niya masapawan ang mga bida ng pelikula, sina Bela Padilla at Carlo Aquino. Co-producer si Piolo ng Meet Me in St. Gallen at nagpaalam siya matapos i-endorso sa entertainment press ang pelikula na magbubukas sa mga sinehan sa February 7.
SCENE: Ang taping ng La Luna Sangre sa Plaza Ibarra habang nagaganap sa isang function room nito ang presscon ng Meet Me in St. Gallen.
SCENE: Basag na basag si Jay Sonza sa mga below-the-belt na atake sa kanya dahil sa statement niya na baklain si Bimby Yap. Hindi na kailangan ni Kris Aquino na patulan si Sonza dahil durog na durog ito sa mga tao na nainsulto sa comment ng broadcaster na matagal nang walang home studio at iilan na lamang ang nakakakilala.
SEEN: Kinunan noong Huwebes ang mga eksena ni Xian Lim para sa Miss Granny ng Viva Films. Si Xian ang leading man ni Sarah Geronimo at ito ang unang project ng aktor bilang contract star ng Viva Films.
SCENE: Pathetic na si Angelica Panganiban sa kanyang mga blind item na patutsada laban kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Binibigyan ni Angelica ng idea ang publiko kaya wala silang formal break up ni John Lloyd.
SEEN: Pinagtatawanan ang poster ng isang product endorsement ni Marvin Agustin dahil siomai ang ipino-promote niya pero siopao ang kanyang hawak. Where is the truth in advertising?
SCENE: Six hundred cellphones at jackets ang ipinamigay kahapon sa studio audience sa birthday episode ni Willie Revillame sa Wowowin. Ngayon ang 57th birthday ni Willie at working birthday ito dahil may taping siya para sa game show niya sa GMA 7.
- Latest