Anak ni Pokwang sobrang mestisa!
SEEN: Darating sa bansa ang American singer na si Dionne Warwick para sa kanyang concert sa Solaire Grand Ballroom sa Valentine’s Day, February 14.
SCENE: Malakas ang Aisarap Food Express ni AiAi delas Alas sa kanto ng Sgt. Esguerra St. at Mother Ignacia Avenue dahil dinarayo ito ng mga call center agent, mga empleyado ng GMA 7 at ABS-CBN.
SEEN: Dinagsa ng mga estudyante ang free screening kahapon sa UP Film Center ng Mr. and Mrs. Cruz, ang pelikula ng Viva Films. Mga bida sa Mr. and Mrs. Cruz sina JC Santos at Ryza Cenon.
SCENE: Pinabulaanan ni Ryle Santiago na siya ang bida sa nude picture na kumalat at ibinibintang sa kanya. Kahawig na kahawig ni Ryle ang lalake sa nude photo na muling naungkat dahil sa denial niya.
SEEN: Available na sa iTunes at Spotify ang ST4Y UP, ang single ni Nadine Lustre na composition niya at ng kanyang boyfriend na si James Reid.
SCENE: Malakas ang dugo ng kanyang American boyfriend na si Lee O’Brian kaya mestisang-mestisa ang anak na babae ni Pokwang na isinilang nito noong Huwebes, January 18.
SEEN: Ang personal at taos-puso na pasasalamat ni Pokwang sa lahat ng mga nagdasal para sa safe delivery niya kay Baby Malia. Maselan ang pagbubuntis ni Pokwang sa kanyang anak dahil sa edad niya. Forty seven years old na si Pokwang nang magbuntis siya kay Malia.
SCENE: Hindi si Sabrina M. ang unang bold star na nalulong sa droga, naghirap, nakulong at balak na tumanggap ng mga labada kapag lumaya siya. Naging labandera din ang former bold star na si Josephine Manuel na leading lady sa mga action movie noong dekada ’80.
- Latest