^

PSN Showbiz

Hashtags member na si Franco nalunod habang nasa bakasyon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Hashtags member na si Franco nalunod habang nasa bakasyon

Sa huling burol ni Isabel Granada nu’ng Sabado ay saka naman sumabog ang balita na nalunod at nasawi ang isa sa mga miyembro ng all-male dance group na Hashtags ng noontime show na It’s Showtime na si Franco Hernandez (26) habang lulan ito ng isang moto­rized banca kasama ang kanyang kasintahan, isang co-member ng Hashtags na si Tom Doronal at dalawa pang kasama nang salpukin sila ng malaking alon.

Although nailigtas si Franco at kasin­tahan nito, dineklarang `dead on arri­val’ si Franco nang ito’y dalhin sa pina­ka­malapit na pagamutan.?

Ang balitang pagkalunod at maagang pagkamatay ni Franco ay ikinabigla nang marami laluna ang kanyang mga kasamahan sa Hashtags, sa It’s Showtime sa pangunguna ni Vice Ganda, mga taga-showbiz at mga netizens.

Galing sa isang beach resort si Franco at ang kanyang mga kasama at pabalik na sila ng San Marcelino.

Mula sa amin dito sa Pilipino Star Nga­yon (PSN),  ang aming taos pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Franco Her­nandez.

Mariel mas suportado na ng mga magulang sa pagsungkit ng korona

Will it be a back-to-back win sa Miss International crown sa taong ito?

Noong isang taon ay ang kinatawan ng Pilipinas na si Kylie Verzosa ang kinoronahang 2016 Miss International habang ang representative ng ating bansa sa taong ito ay si Mariel de Leon, anak ng mag-asawang actor na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Ang 2017 Miss International ay gaganapin sa Tokyo Dome ng Tok­yo, Japan on Tuesday, November 14, 2017. Last Thursday ay tumulak patungong Tokyo ang mag-asawang Christopher at Sandy para suportahan ang kanilang anak unlike noong ito’y sumali sa 2017 Bb. Pilipinas na sa kanilang hotel room sa Novotel lamang nanood at nagtungo sa backstage ng Araneta Coliseum nang manalo si Mariel as Bb. Pilipinas-International.

Samantala, bago lumipad si Mariel for Tokyo for the pageant ay tinapos niya muna ang shooting ng pelikulang Ang Panday na pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring director at producer ng pelikula at isa sa mga official entries sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Boyet at Sandy ayaw mag-retire

Kung gugustuhin ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong ay puwede na silang mag-retire dahil lahat na tapos ang kanilang limang anak na sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel at Mica.

Ang panganay na si Rafael ay nasa New Zealand, nasa California, USA naman si Miguel at si Gabriel ay nasa New York, USA habang ang bunsong si Mica lamang ang kapisan ng mag-asawa.  Pero wala pa sa bokabularyo ng mag-asawang Boyet at Sandy ang pagreretiro sa showbiz kung saan pareho pa silang in demand bilang actor.

Katunayan, si Sandy ay regular na napapanood sa weekly sitcom ng ABS-CBN, ang Home Sweetie Home na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga habang si Boyet naman ay may bagong TV series sa GMA na pinagbibidahan naman nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with