Snow World ng Star City isa sa pinakamalaki sa mundo
MANILA, Philippines - Mas exciting at mas masaya ang mga taong nakadalaw na sa Snow World Manila nang magbukas ito ngayong taon. Mas pinalaki na kasi ang snow play area kung saan makakapaglaro sila sa snow. Ginawa ring mas exciting ngayon ang kanilang man made ice slide, na sinasabing pinakamahabang man made ice slide sa buong mundo ngayon.
Ang Snow World Manila ay itinuturing na ring isa sa pinakamaganda, at pinakamodernong indoor snow attraction ng International Society of Ice Carvers, na siyang organizer ng World Ice Art Championships na ginagawa sa Fairbanks, Australia taun-taon.
Dahil din naman sa pagkilalang iyan kaya lalo namang pinaganda pa ang Snow World. Sa taong ito nga, itinampok din nila ang mga nagtataasang mga buildings at historical structures mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ginawa na ring dalawa ang coffee shop sa loob ng Snow World, kung saan pwedeng magpahinga at uminom ng mainit na kape kung napagod na sa paglalaro at pamamasyal.
Hindi rin tulad ng ibang snow attractions na bilang lang ang mga araw, ang Snow World ay bukas araw-araw. Marami ring iba’t ibang nababagong attractions para ang mga nakapunta na ay may makitang pagbabago ulit sa kanilang pagbabalik. Kung ano ang okasyon, iyon din ang tema ng Snow World.
Ang Snow World na matatagpuan sa Star City ay bukas mula 4:00 p.m. kung simpleng araw, at 2:00pm tuwing Biyernes hanggang Linggo. Ito lamang ang nag-iisang tunay na snow attraction sa ating bansa, at ngayon nga ay sinasabing isa sa pinakamaganda sa buong mundo.
- Latest