^

PSN Showbiz

Yassi papasok sa Probinsyano!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ibinalita ni Yassi Pressman sa Twitter na papasok siya sa Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Tweet nito, “So, happy to be a part of #FPJAngProbinsyano!!!”

Hindi binanggit ni Yassi kung ano ang ma­giging role niya, kung kailan siya magte-taping at kung kailan lalabas ang kanyang karakter. Galing sa Probinsyano si Bela Padilla, ang co-star niya sa Viva Films at N2 Films movie na Camp Sawi na showing sa August 24. Tiyak na nabigyan ng tip ni Bela si Yassi dahil lagi silang magkasama lately sa promo ng movie.

Nakaka-relate si Yassi sa role nila sa nabanggit na pelikula dahil dumaan din siya sa masakit na break-up pero sobrang naka-move on na si Yassi sa nangyari. Hindi lang kami sure kung friends na niya ang ex-BF at ang GF nito ngayon.

Ogie numero unong adik sa Pokemon!

Kung nagpapakahirap kayong mag­hanap ng Pokémon at ang iba’y na­didigrasya pa, lumapit lang kayo kay Ogie Alcasid at manghingi kayo. Ang dami kasi niyang laruang Pokémon at ang iba’y binili niya 20 years ago pa.

Kuwento ni Ogie, nang bilhin niya ang Pokémon, hindi niya akalaing sisikat ulit ito, kaya tuwang-tuwa siya. Si Nate na ang naglalaro ngayon ng Pokémon collection niya na ang iba’y hindi pa nabubuksan.

Samantala, ipinakita ni Ogie ang video ni Lara Maigue, isa sa kanyang mga ta­lent sa A-Team at guest niya sa Ayokong Tumanda concert na kumakanta ng classical music. Kuha ang video sa recital ni Lara nang mag-graduate ito sa UP at may rason siyang maging proud bilang manager dahil ang husay-husay nito.

Guests din ang iba pa niyang ta­lents na sina Davey Langit, Q-York at Basti Artadi. Kasama rin sa August 26 at 27 si Regine Velasquez-Alcasid at guest sa Aug. 27 na birthday ni Ogie si AiAi delas Alas. Sa Music Museum ang concert sa direction ni Floy Quintos at musical director si Maestro Ryan Cayabyab.

Sa mga nagre-request kay Ogie na mag-concert naman siya sa Kia Theater, sa September siya naka-schedule mag-concert dito.

Aiza naghahanap ng assistant

Bukas, Martes manunumpa si Aiza Seguerra sa harap ni Presidente Rody Duterte bilang patunay na tinanggap niya ang appointment bilang Chairman ng National Youth Commission. Pagkatapos manumpa, Usec. Aiza na ang itatawag sa singer-actress.

Hindi lang namin alam kung kasabay ni Aiza na manunumpa ang wife niyang si Liza Diño-Seguerra na na-appoint namang Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair. Usec. na rin ang title ni Liza after niyang manumpa.

Naghahanap si Aiza ng Senior Administrator Assistant na masipag, mapagkakatiwalaan, busilak ang puso, magaling magsulat, magaling mag-organize, magaling magbasa, at incorruptible.

Sa mga gustong mag-apply, send your CV to [email protected]. ‘Yung mga basher nina Aiza at Liza, welcome rin.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with