^

PSN Showbiz

Basti Artadi ng Wolfgang nakaipon na ng pampagamot sa brain tumor

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakahanda nang umalis patungong Amerika ang front man ng bandang Wolfgang na si Basti Artadi para sa check-up ng kanyang brain tumor. Kung pagpasyahan nilang operahan siya ay nakapaghanda na siya, physically and financially.

Marami ang tumugon at tumulong sa pangangailangan niyang pinansyal para mapagaling ang kanyang karamdaman. ‘Yung mga kapos sa pera ay sa dasal siya tinutulungan.

Sa mga tumulong para magamot ang karamdaman nina Joy Viado, Julio Diaz, Dick Israel, at si Basti ngayon atbp., bless you all!

Yeng may stage musical na rin

Malaki ang itinaas ng antas ng pagiging singer/composer ni Yeng Constantino mula sa panalo niya sa Pinoy Dream Academy sa gagawin niyang paggawa ng isang musical play ng PETA.

Dati ay kumakanta lamang siya at ginagawan ang kanyang sarili ng mga komposisyon na nagpakilala sa kanya nang husto sa mga music lover dahil magaganda at nananalo ng awards.

Nag-branch out na ang singer na kilala sa iba’t ibang kulay niyang buhok, gumagawa na rin siya ng kanta para sa ibang singer. ‘Yung kinompos niya para sa album ni Erik Santos na may pamagat na Sino Ba Ako Sa Iyo? ay patok sa mga tagapakinig.

At matapos ang pagmi-mentor niya sa I Love OPM (Celebrity Sing Offs) kung saan ay maganda naman ang naging standing ng grupo niyang Oh My Girls (Alexa Ilacad, Ylona Garcia at Krissie) at habang isa siya sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime! ay nagsimula na siyang maghanda para sa kauna-unahang stage musical niya para sa PETA na pinamagatang Ako Si Josephine at magaganap sa Setyembre 8.

Hindi naman siya gaanong hirap dahil marami sa mga nagawa niyang kanta na hindi nakasama sa mga album niya ay dito niya gagamitin.

Digong kailangan ng suporta

Parang si President Noynoy Aquino rin ang naging pagsisimula ni President Rodrigo Duterte. Kung si P-Noy ay naging problematic sa pagsisimula niya ng kanyang tungkulin bilang pangulo ng bansa ganun din si President DU30. Mahirap ma-overcome ni P-Noy ang isyu ng bus hostage taking, lalo na ‘yung insidente ng SAF.

Katulad din ng isyu kay DU30 na insidente sa NAIA at ‘yung paglipon niya ng problema sa droga kung saan maraming buhay ang nabubuwis.

Pero sa suporta ng sambayanan, walang hindi magagawa ang kasalukuyanag ama ng bansa.

Mga negosyanteng nag-umpisa sa maliit hindi nagdadamot

Maganda at nakaka-inspire  yong programa ni Karen Davila na My Puhunan. Bukod nga naman sa naibabahagi niya ang success story ng maraming negosyante na nagsimula sa maliit na kapital, nagagawa pa niyang makumbinse sila to pay it forward at tumulong naman sa mga may talento pero, walang pera  na pangtustos sa negosyo na gusto nilang simulan. Nung una sabi ko, bakit hindi sila  gumawa ng consultancy pero ang mismong ang mga  may matagumpay na negosyo na ang nagtuturo sa mga binibigyan nila ng kapital para sa sisimulan nilang negosyo ng katulad ng sa kanila. Ganda, ‘di ba?

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with