Kawawa naman Julie Anne gustong pagpahingahin ng AlDub fans!
Kung ang AlDub nation ang masusunod, baka hindi muna mapanood sa Sunday PinaSaya si Julie Anne San Jose at ang direktor ng show na si Rich Ilustre. Nagkaro’n kasi ng isyu sa dalawa ang followers ng phenomenal tandem nang diumano ay sabihin ni Ilustre na may ugnayan sina Julie Anne at Alden Richards na mariing itinanggi ng direktor at sinabing hindi lamang sila nagkaintindihan ng kausap niya.
Nag-guest ang sikat na yaya sa SPS kahapon at wala namang gulo na nangyari na taliwas sa naunang rumor na sasaktan ng fans ng singer si Maine.
Nauna na rito ang pagsasabi ni Maine na walang rason para mag-away-away ang fans nila ni Julie Anne.
Naging patok ang guesting ni Maine sa SPS kaya hindi malayong makita siyang muli sa programa at sa iba pang shows ng Kapuso Network.
Kris hindi bet mag-promote ng kanyang filmfest movie?!
Ano nga kaya ang dahilan at tuluy-tuloy na ang hindi pagpo-promote ni Kris Aquino ng All You Need Is Pag-ibig? Ngayong napapanood na ang trailer ng walong entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015, mas lalong kailangan ng movie ang presence ng presidential sister at pagkukuwento sa media sa naging kinalabasan ng kanilang pelikula matapos ang mga major na kontrobersiyang pinagdaanan nito.
Hindi nakakatulong ang tila pagwawalang bahala niya sa proyekto at ang hindi pagpu-promote ng pelikula maging sa KrisTV. Hindi rin maganda ‘yung hindi sila nakikita ni Bimby Yap na magkasamang nagpu-promote ng movie at wala rin si Derek Ramsay to talk about the film. Ano nga kaya ang problema ng movie?
Mga taga-showbiz umaasa sa pulitikong pinagkakaisahan
Nabuhayan na naman ng pag-asa ang mga taga-showbiz na makakatulong para mapanumbalik ng isang tumatakbo sa pagka-senador ang industriya ng ating pelilkula. Marami nang pulitiko ang nangako nito, pero nakakalungkot na hanggang ngayon ay naghihingalo pa rin ang industriya at sumisinghap-singhap na lamang sa tulong ng indie films.
Mabuti pa siguro na umasa sa isang presidentiable na magawa ang ipinangakong tulong sa pelikula ng maraming pulitiko kung hindi lamang magtatagumpay ang mga kalaban niya na patumbahin siya bago ang eleksyon.
- Latest