^

PSN Showbiz

Matapos maudlot sa GMA, Diether nasa TV5 na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa TV5 na ang Kapamilya actor na si Diether Ocampo. Yup, habang jobless siya sa ABS-CBN matapos maudlot ang pagbibidahan sana nilang serye nina Judy Ann Santos and Richard Yap tinanggap muna niya ang offer ng TV5 para sa Wattpad Presents na napapanood every Monday to Friday, 9:00 p.m.

In a way ay maraming nagulat dahil mas malakas noon ang rumor na sa GMA 7 siya lilipat pero everybody knows na na-abort ang nasabing plano kahit umano’y nakalatag na ang lahat.

“Of course, I’m still with ABS. In fact, I just took this opportunity which I’m very thankful coz hindi pa ako nakapag-guest sa Channel 5 so this is the first time na magkatrabaho ako with the production of TV5 and this is the initial project that we accepted, of course, there will be two episodes,” pahayag ng actor kahapon sa presscon ng Wattpad Presents Wicked Ways with Ritz Azul and John James Uy na mapapanood sa Nov. 23-27 at ang isa pa ay ang Seducing Mr. Wrong with Sam Pinto na eere naman on Dec. 14-18.

May mga ibang offer naman daw pero nagpapasalamat siya at nakatrabaho niya sa TV5 ang mga actor na siyempre ay ngayon lang niya nakatrabaho. “I was very happy when this offer came and thank you to Ma’am Wilma (Galvante) for giving me this opportunity to work with some actor na hindi ko pa nakakatrabaho and working with same production team na magaga­ling, of course with our director Phillip Lazaro. It’s a good opportunity for me so hindi ko pwedeng palampasin ‘yun,” banggit ng actor na huling napanood pa sa seryeng Apoy sa Dagat with Piolo Pascual and Angelica Panganiban noong 2013 pa.

Pero hanggang Wattpad pa lang naman ang connection niya sa TV5 at walang exclusive contract sa Kapatid Network.

Walang masamang tinapay sa kanya kaya naman kung bibigyan siya ng trabaho ng ABS-CBN go pa rin siya. “Sa panahon ngayon, ‘pag may trabaho, you know, walang masamang tinapay diyan.”

Samantala, ayaw namang mag-react ni Diet sa rumor na ikakasal na siya sa girlfriend na kamag-anak nila Kris Aquino, si Michelle Cojuangco. Ang sinasabi lang niya ay happy naman siya sa kasalukuyan.

Anyway, ang Wicked Way ay more than 7 million na ang nakabasa sa Wattpad na kuwento ng seduction, romance, at kakaibang friendship between three millennials living in one house.

Michael V. napapagod rin sa Bubble Gang

Time flies too fast talaga. Imagine parang kailan lang nang simulang kaaliwan ng marami ang programang Bubble Gang, ngayon pala 20 years na sila.

Kaya naman isang pasabog na episode – docu presentation and interviews sa mga naging bahagi ng show – ang celebration nila na mapapanood sa November 27. October 20 ang actual date ng anniversary ng gag show ng GMA.

Kaya naman aminado si Michael V. na may pagkakataon talagang naba-burn out na siya at napapagod sa ginagawa niya. “May time na nagsasawa na ako lalo na pag malapit na ang bakasyon,” pag-amin ng isa sa mga henyo sa komedya sa kasalukuyan.

Bakasyon kasama ang kanyang pamilya para mapahinga naman ang utak at magkaroon ng mga bagong idea pagbalik niya.

Pero sa lahat ng mga character na ginawa niya, nakikita niya ang sarili kay Junee Lee. “Alter ego ko si Junee Lee. Ganun ako,” pag-amin ni Michael.

Pero dumating sa point na kinabahan din naman sila dahil naging persistent noon ang rumor na titigbakin na ang show dahil lumalaylay na. “Kinabahan din kami noon. Dumating sa point na nakipag-usap kami kay FLG (Mr. Felipe Gozon). Pero paborito pala kami ni FLG,”  pag-aalala niya habang natatawa.

Ngayong 20 years na sila, wala sa plano ng ma­nagement na tsugiin ang show nila.

Si Michael V. ang head writer at creative director ng Bubble Gang.

Actually hindi inasahan ni Michael na aabot sila ng 20 years sa ere. At sa dalawang dekada nila, mara­ming mga lesson na silang natutuhan sa programa. Iba’t ibang level na rin ng bashing ang pinagdaanan niya pero, tuloy ang pagpapaligaya nila.

Sa ngayon gustong mag-direk ni Michael ng pelikula na siya rin ang bida at nagsulat ng istorya. “Matagal na ‘yun hanggang nawalan na kami ng oras. APT sana ang magpo-produce,” pahayag ni Michael sa tsikahan kamakailan.

James, mag-aalok ng kasal kay Nadine

Handa na si James Reid (Clark) na pangatawanan ang pagiging hubby kay Nadine Lustre (Leah) sa top-rating Kapamilya primetime teleserye na On the Wings of Love dahil aalukin na niya ang kanyang wifey na magpakasal habang nagbabakasyon kasama ang kanilang mga pamilya. Sa pagtupad nina Clark at Leah ng kanilang dream beach vacation kasama ang mga kapamilya, sosorpresahin ni Clark si Leah ng isang wedding proposal para makapagsimula silang muli at magkaroon silang dalawa ng special happy memory na naman sa Pilipinas. Pero handa na rin kaya si Leah na totohanin ang kanyang pagiging Mrs. Clark Medina?

Oh oh. Maraming naloloka sa OTWOL dahil walang negative factor ang serye ng Kapamilya na napapanood gabi-gabi.

ACIRC

ANG

BUBBLE GANG

JUNEE LEE

KAPAMILYA

LEAH

MGA

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with