Willie Revillame pinaaaresto sa child abuse case
MANILA, Philippines – Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyong ng korte na arestuhin at basahan ng sakdal ang TV host na si Willie Revillame.
Taong 2011 nang kasuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Willie sa Quezon City regional Trial Court dahi sa pagpapasayaw sa isang bata na tila isang “macho dancer” sa kanyang dating palabas na “Willing Willie” sa TV5.
Iniutos ni Judge Roberto Buenaventura ng Quezon City RTC Branch 86 noong Oktibre 4, 2013 na arestuhin si Revillame.
Umapela ang kampo ng TV host sa CA.
Sinabi ni CA Associate Justice Ma. Luisa Quijano-Padilla sa kaniyang desisyon noon pang Setyembre 7 na nakakita sila ng “probable cause for the petitioner's commission of a crime.”
“…as a final note, we observe that the resolution of this case had long been delayed because of the petitioner's refusal to submit to the trial court's jurisdiction and his erroneous invocation of the Rules in his favor,” pahayag ng CA.
Samantala, nilinaw naman ng abogado ni Revillame na hindi iniutos ng CA na arestuhin ang TV host.
“What the CA said that it is okay for the RTC to issue a warrant of arrest so that Willie could be arraigned,” banggit ni Nards de Vera.
“I hope we would emphasize is what the CA is saying is you may proceed for the trial so that the guilt or innocence of Willie can be determined by the court. So now we will proceed with the trial.”
- Latest