Jadine hindi na mapigilan ang ‘paglaki’
MANILA, Philippines – Jollibee endorsers na rin sina James Reid and Nadine Lustre. Wala na talagang makakapigil sa kanilang pagbulusok bilang isa sa hottest love teams to date.
Karagdagan ang nasabing endorsement sa mga existing nila.
Anyway, excited na ang fans na mapanood sila sa pelikulang Para sa Hopeless Romantic na showing na next month. Lumabas na ang trailer ng pelikula last weekend at marami na talagang kinikilig. Kasama nila sa Para sa Hopeless Romantic sina Julia Barretto and Iñigo Pascual.
Marian pinakamaraming likers
Grabe ang following ni Marian Rivera sa social media. Kasama siya sa may pinakamaraming likers sa Instagram. ‘Pag nag-post siya, umaabot minsan sa more than 60,000 ang likes.
Samantalang ‘yung ibang artista, hindi man lang umabot ng 5,000.
Atty. Fortun ninenega
Parang hindi nakakatulong si Atty. Raymond Fortun bilang spokesperson ng pamilya Revilla tungkol sa nangyari kay Jolo Revilla.
Mas maiging manahimik muna siya, o mag-concentrate na lang sa photography.
Maraming negative feedbacks sa pagiging spokesperson niya.
Jason Dy ng team sarah waging-wagi, Team ni Bamboo kulelat na naman
‘Wagi ang haranistang si James Jason Dy ng Team Sarah (Geronimo) bilang grand winner ng ikawalang season ng The Voice of the Philippines matapos makatanggap ng 52.94% na public votes sa grand finale ng programa noong Linggo (Mar. 1) sa Resorts World Manila.
“I’m just very thankful. Maraming salamat sa mga bumoto at nangampanya, sa lahat ng mga naniniwala sa akin – kay coach at kay God na binigay sa akin ang blessing at opportunity na ito. In God’s time talaga. Matagal na akong naghihintay ng chance,” saad ni Jason.
Tinalo ni Jason ang runner-up na si Alisah Bonaobra ng Team Apl.d.Ap na nakakuha ng 47.06% ng mga boto matapos ang kanilang huling banggaan kung saan muling ibinalik sa zero ang kanilang scores.
“Ang pinakamahalagang natutunan ko kay coach (Sarah) ay ang kumanta lang galing sa puso, kasi maraming magagaling na singers pero ang hinahanap ng tao ay ang connection, na maramdaman nila kung anong gusto mong ipahiwatig sa kanila,” aniya.
Ayon naman kay coach Sarah, “Napakahirap humanap ng artist na hindi kinakailangang bumirit para lang ma-touch ang puso mo. Si Jason, he has his own voice na hindi mo maririnig sa iba. ‘Pag pinakinggan mo, world-class.”
Bilang The Voice of the Philippines, nagwagi si Jason ng trophy na dinisenyo at ginawa ng artist na si Leeroy New, house and lot na nagkakahalagang P2 milyon, isang music instrument package (P100,000), shopping spree at Asian tour package (P350,000), isang business package (P1 milyon), isang bagong kotse (P1 milyon), isang recording at management contract sa MCA Music, at P2 milyong cash.
In fairness tinutukan ng mga Pinoy kung sino ang papangalanang grand winner kaya naman balitang nagtala ang finale nito noong Linggo ng national TV rating na 30.8%, base sa datos ng Kantar Media.
Bago pa man kinanta ni Jason ang winning song niyang Minsan Lang Kita Iibigin, inawit niya ang If I Ain’t Got You kasama si coach Sarah, With You, at Wrecking Ball kasama si Charice para sa unang tatlong rounds ng finale.
Para sa duets with guest artists round, nakipagsabayan naman si Alisah kay Dulce, si Leah Patricio (Team Lea Salonga) kay Jed Madela, at si Rence Rapanot (Team Bamboo) kina Joey Ayala at Bayang Barrios.
Bago pa magtapos ang finale, inanunsyo ng hosts na sina Luis Manzano at Toni Gonzaga na magkakaroon ng bagong season ang The Voice Kids.
Marami lang nakapansin na parating kulelat ang Team Bamboo. Bukod sa hindi gaanong pang-masa ang napiling artist ni Bamboo, hindi rin malakas ang following ni Bamboo kaya lagi na lang siyang hindi nakakasama man lang kahit sa top 2.
May plano kayang magpalit ng judge ng The Voice of the Philippines para naman magkaroon ng laban sa mga ‘alaga’ ni Sarah?
- Latest