Duterte kay Ramon Bautista: 'Bisita ka lang, gumalang ka'
MANILA, Philippines – Hindi ikinatuwa ng dating alkalde ng Davao City na si Sara Duterte ang binitawang biro ng komedyanteng si Ramon Bautista.
Inihayag ni Duterte ang kanyang galit sa social networking site na Facebook, kung saan inirekomenda pa niyang i-deklarang persona non grata si Bautista.
“Attended this Kadayawan Invasion and heard this (Ramon Bautista) guy say "hipon" ang mga babae sa Davao. Pila sa ako mga fb friends ang konsehal.. if you do not call out this guy as a persona non grata, your doing a disservice to women all over!! P at F to you Ramon Bautista! bisita ka lang, gumalang ka,” pahayag ng dating alkalde nitong Sabado.
Nag-ugat ang isyu nang dumalo ang komedyante sa Kadayawan Festival ng Davao City at sinabing “Ang daming hipon dito sa Davao,” kung saan hinikayat pa niya ang mga manonood na sabihin ang salitang “hipon.”
Ginagamit ang salitang “hipon” bilang bansag sa mga taong magaganda ang katawan ngunit hindi ang mga mukha.
Matapos mapagalitan ni Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte ay umakyat muli sa entablado si Bautista upang humingi ng paumanhin.
“I'm here in front of you to say my apologies because sinabi ko ang daming hipon dito. Oo nga, nahihiya po ako sa inyo because you welcomed me in your beautiful city. Andito po ako lagi at nag-e-enjoy po ako dito. Para masabi ko po yung mga yun na marami sa inyo ang na-offend. I'll say my sincerest apologies, sana po matanggap niyo,” wika ng komedyante.
“Andito po ako para makisaya sa Kadayawan Festival at para maging enjoyable ang gabing ito. From the bottom of my heart, sobrang nahihiya po ako sa inyong lahat. Sana mapatawad niyo po ako. Mahal ko po kayong lahat.”
- Latest