ABS-CBN pinagpapaliwanag ng MTRCB sa PBB nude challenge
MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng ABS-CBN dahil sa kontrobersyal na episode ng “Pinoy Big Brother: All-In.â€
Pinagpapaliwanag ng MTRCB ang Kapamilya network bukas sa naging challenge ni “Kuya†sa housemate na si Jayme Jalandoni, kung saan hinamon siya na maghubad para sa isang painting.
MTRCB alarmed over alleged gender-insensitivity in PBB: ALL-IN nude challenge
— MTRCB (@MTRCBgov) June 9, 2014
Nitong nakaraang Biyernes ay umalma ang isang government body na nagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan sa naging hamon ni Kuya para sa lingguhang task.
Noong una ay ayaw pumayag ni Jalandoni ngunit kalauna'y pumayag na rin.
Kaugnay na balita: Nude painting sa PBB pinaiimbestigahan sa MTRCB
"'Kuya's' exercise of authority over her is evidently suggestive; placing the female contestant under pressure amid the latter’s rejection of the challenge," pahayag ng PCW.
"PCW sees nothing wrong with women posing nude for art, but it should be a woman's free choice to do so," dagdag nila.
Anila, nilabag ni “Kuya†ang right to freedom of thought, conscience, religion and belief ni Jalandoni.
"The episode showed the broadcast media’s coldhearted perpetuation of exploitation of women on national TV. No individual, television show or entity has the right to cause discrimination, insecurity, discomfort, offense or humiliation to any woman,†sabi ng PCW.
Sinabi ng tagapagsalita ng ABS-CBN na handa silang magpaliwanag sa MTRCB.
"We have received the invitation from MTRCB. We will cooperate and attend the conference on June 11," wika ni Osorio sa ulat ng dzMM.
- Latest