Vice Ganda inasahan ang paghihiwalay nila ng dyowa
MANILA, Philippines – Inamin ng TV host at komedyanteng si Vice Ganda na inasahan na niya ang paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend.
Sinabi ni Vice sa kanyang panayam sa entertainment website na Push na masaya siya sa pagiging single ulit.
“I am single. I am happy and single, happy and single parang ang bitter lang. Single ako pero okay lang,†wika ng “It's Showtime†host.
Kaugnay na balita: Vice sa dyowa: ‘Mambabae ka, mag-asawa ka’
“Hindi kasi nakita ko na rin ito,†sagot niya nang tanungin kung biglaan ba ang kanilang paghihiwalay.
Dagdag niya na kahit inasahan niya ang hiwalayan ay nasaktan pa rin siya.
“Naramdaman ko na, napaghandaan ko na. Siyempre hurting, I am not perfectly fine but I am okay,†kuwento ni Vice.
“Oo, 'yun na 'yun. Napag-usapan naman, e, we took some time para pag-isipan na hindi muna magkita.â€
Nauna nang sinabi ni Vice na nais niyang magkaroon ng normal na buhay ang kanyang boyfriend.
“Gusto ko mag-asawa siya. Sinasabi ko nga sa kanya pag nagaaway kami, 'Mambabae ka nga. Para hindi ka mastress, mambabae ka.'†pahayag noon ni Vice sa kanyang panaya sa “Buzz ng Bayan.â€
“Gusto ko mag-asawa siya kasi, ewan ko, feeling ko magiging masaya rin naman siya doon.â€
Kahit kagagaling lamang sa hiwalayan ay nagpapasalamat pa rin ang “Gandang Gabi Vice†host sa kanyang mga natatanggap na trabaho
"Busy naman ako, hindi ko siya masyadong napapansin. Okay lang, hindi pa siguro sa akin nagsisink in. Parang shocked pa, hindi pa nga ako masyadong umiiyak.â€
- Latest