PMPC: Best Actor ni Vice 'di bayad
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang akusasyon ni showbiz columnist Jobert Sucaldito na bayad ang pagkapanalo ng komedyanteng si Vice Ganda ng Best Actor sa Star Awards.
Sinabi ng PMPC na si Vice talaga ang karapatdapat manalo ng naturang pagkilala para sa pelikulang "Girl, Boy, Bakla, Tomboy" na inilahok sa 2013 Metro Manila Film Festival.
Dinaig ni Vice sina Joel Torre at Laguna Governor ER Ejercito para sa mga pelikulang "On The Job" at "Boy Golden."
“The Philippine Movie Press Club (PMPC) is saddened by the unfortunate turn of events at the recently-concluded 30th PMPC Star Awards for Movies," pahayag ng grupo ng mga mamamahayag.
Kauganay na balita: Best actor ni Vice sa PMPC binayaran - Sucaldito
“Immediately after the awards ceremonies, a malicious allegation circulated in social media questioning the veracity of our Best Actor winner. We strongly refute the said allegation," dagdag nila.
Inihayag ni Jobert na may isang voting member ang naglakad upang manalo si Vice kahit na ang umano'y karapatdapat si Joel ngunit hindi puwedeng manalo dahil walang "budget."
Ikinagalit ni Jobert nang pangakuan siya na ang manok niyang si ER ang mananalo.
Dagdag ng kolumnista at radio anchor na nangutang pa siya para lamang manalo ang gobernador.
Pero iginiit ng PMPC na malinis ang naging botohan.
"The voting members gave their utmost trust and confidence to the winners in their respective categories, thereby making the results final, incontestable, and sacred,†sabi ng PMPC.
“There will be forces that will try to destroy the credibility and reputation of the club, but the PMPC will remain committed to its objectives, and no amount of intimidation and coercion can shake its foundation.â€
- Latest