^

PSN Showbiz

Vice Ganda naghain ng affidavit para sa kaso ni Vhong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang naghain ng kanyang sinumpaang salaysay ang TV host at komedyanteng si Vice Ganda kaugnay sa panibagong kasong rape laban sa kanyang kaibigang si Vhong Navarro.

Nagtungo ng Pasig Prosecutor's Office ngayong Miyerkules si Jose Marie Borja Viceral o mas kilala sa tawag na Vice upang pabulaanan ang sinasabi ng umano’y rape victim ni Navarro na si Roxanne Cabanero.

Sinabi ni Cabanero na nangyari ang panghahalay noong Abril 24, 2010 sa isang hotel sa Pasig City.

Kaugnay na balita: Bagong rape complainant vs Vhong lumutang

Ayon kay Viceral, kasama niya si Navarro noong naturang petsa.

Dagdag ng komedyante na guest niya si Navarro sa kanyang concert sa Island Cove sa Cavite. Sinabi ni Viceral  na magkasama sila ng kapwa host sa “It’s Showtime” hanggang umaga.

Kaagad nang nanumpa si Viceral sa piskalya dahil nakatakda siyang lumipad patungong Amerika para sa kanyang concert na pinamagatang “i-Vice Ganda Mo Ko sa Amerika.”

Kaugnay na balita: May lumutang na ebidensiya Vhong nasa concert daw ni Vice nang petsang sinasabing ginahasa ang suki sa beauty contest

Nauna nang sinabi ng kampo ni Navarro na hindi na nila ikinagulat ang paglutang ni Cabanero at sinabing planado ito ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee.

"Some weeks ago, Cedric [was] talking to some women, and I understand that his lawyer has said na mayroon silang pasabog," wika ng abogado ni Navarro na si Alma Mallonga sa isang panayam sa telebisyon nitong nakaraang linggo.

"Hindi kami nagulat kasi [ang] intindi pa namin that this is just the first of others," dagdag ni Mallonga.

vuukle comment

ALMA MALLONGA

AMERIKA

CABANERO

CEDRIC LEE

ISLAND COVE

JOSE MARIE BORJA VICERAL

KAUGNAY

NAVARRO

VICERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with