^

PSN Showbiz

May lumutang na ebidensiya Vhong nasa concert daw ni Vice nang petsang sinasabing ginahasa ang suki sa beauty contest

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumalat kahapon ang tweet na kino-congratulate sina Vice Ganda at Vhong Navarro matapos ang isang concert sa Island Cove sa Cavite. Ang date ng nasabing tweet : April 25, 2010. Ang oras 2:20 a.m.

Ito ang sinasabing petsa kung saan diumano ginahasa ni Vhong ang nagngangalang si Roxanne Acosta na nakasaad daw sa affidavit ng suking kamukha ni Venus Raj sa mga beauty pageant.

So ano kayang masasabi rito ni Ms. Acosta?

Hindi naman siguro tumakas lang si Vhong sa nasabing concert para sa ibinibintang niyang rape?

Singing Bee araw-araw na, maglilibot sa iba’t ibang lugar paramaghanap ng mga marunong kumanta

Mas masaya na ang bawat umaga dahil araw-araw mo nang makakasama sa kulitan at kantahan ang pambansang singing game show na The Singing Bee, sa pangu­nguna pa rin nina Roderick Paulate at Amy Perez simula Lunes (Feb 24), 11:00 AM sa ABS-CBN.

Kung dati isang beses sa isang linggo lang ang musical family bon­ding, ngayon ay limang beses na ka­yong aaliwin nina Kuya Dick, Amy, Songbees, Bandble Bee at ng Ho­ney­bees.

 Mas marami ring pagkakataong manalo dahil kada araw mula Lunes hang­gang Huwebes ay may tatanghaling champion of the day, na silang magbabalik at magtutunggali sa battle of the champions tuwing Biyernes para sa P1 milyong jackpot.

Maging ang mga tagasubaybay sa kani-kanilang taha­nan, sa palengke, sa kalsada, o kahit saan man ay maaari na ring manalo ng papremyo dahil mismong ang The Singing Bee na ang mag-iikot sa inyong mga lugar para sukatin ang inyong ga­ling sa paghula ng tamang lyrics.

Buena manong makikigulo sa mas pinabonggang The Singing Bee  ang mga komedyanteng sina Vice Ganda, Pokwang, K Brosas, at Anton Diva ngayong Lunes (Feb. 24). Susundan naman ito ng kinagigiliwang young stars na sina Sam Concepcion, Nash Aguas, Julia Barretto, at Alexa Ilacad sa Martes (Feb. 25). Hindi rin magpapahuli ang magulong barkadahan ng Banana Split na sina Angelica Panga­niban, Ryan Bang, Alex Gonzaga, at Aiko Climaco sa Miyerkules (Feb. 26) habang ang cast naman ng hit family drama series na Annaliza na sina Zanjoe Marudo, Denise Laurel, Kaye Abad, at Patrick Garcia ang magpapasiklaban sa biritan sa Huwebes (Feb. 27).

Sino-sino mula sa apat na grupo ang tatanghaling daily winners at magbabanggaan sa Biyernes (Feb. 28) para sa pagkakataong masungkit ang pinakaaasam na P1 milyong jackpot?

Bukas ang The Singing Bee para sa mga ma­onood na nais sumali sa pinakamasayang musical game show ng bayan at posibleng maging susunod na milyonaryo. Para makalahok, i-text lamang ang BEE (pangalan) / (edad) / (kasarian) / (tirahan) / (numero ng landline) sa 231 para sa Smart at Talk N Text subscribers at sa 2331 naman para sa Globe, TM at Sun Cellular subscribers.

Zsa Zsa troubled sa gap nina Vice at Karylle

Nagparamdam na si Zsa Zsa Padilla sa ‘gap’ nina Vice Ganda at anak niyang si Karylle. Kahapon ay nag-post siya sa kanyang Instagram account ng isang verse : “He who covers over an offense promotes love, but whoever repeats the matter separates close friend. – Proverbs 17:9.”

Ang pakiramdam ni Zsa Zsa ay ito ang sakto sa kontro­bersiyang kinasasangkutan ng anak.

“I am troubled by all the news I have been hearing. And just like you, I turn to Jesus for answers. I went on line to look for a verse to give me some courage and this is what I found. Thank you Jesus. Your love overflows.”

Maalalang ibinunyag ni Vice ang pinagmulan ng tampuhan nila ng kasamahan sa It’s Showtime nang hindi ito maka-attend sa victory party ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy na kung anu-ano ang sinabing dahilan at ang nalaman ng komedyante na imbyerna na sa kanya ang mapapangasawa ni Karylle na si Yael Yuson.

AIKO CLIMACO

ALEX GONZAGA

FEB

KARYLLE

PARA

SHY

SINGING BEE

VICE GANDA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with