Kris pinayagan ni Bimby na magka-dyowa uli
MANILA, Philippines – May “go signal†na si Kris Aquino na muling magkaroon ng boyfriend matapos pumayag ang bunsong anak na si Bimby.
Sa episode kagabi ng “Aquino & Abunda Tonight,†iknuwento ni Kris na pinayagan na siya ni Bimby.
“Bimby told me something wonderful kanina. Sabi niya, ‘Mama, because you brought me all my games, I want you to be happy, you can already have a boyfriend but no breaking up’,†kuwento ni Kris.
“Ang cute, di ba? Yung six-years-old, gusto na talaga ng kaligayahan para sa parehong magulang. Pero yun lang ang hinihingi niya, huwag n’yong guluhin ha? Kung papasok kayo sa relasyon, make sure for keeps,†dagdag ng TV host/actress.
Kaunay na balita: Kris hindi susuko sa pag-ibig
Apat na taon nang hiwalay si Kris sa dating asawa at basketball player na si James Yap.
Naghiwalay sina Kris at James noong 2010 at dalawang taon ang lumipas nang tuluyang ma-annul ang kanilang kasal.
Pero kahapon lamang din sa kanyang reality talk show “Kris TV†ay sinabi ni Kris na muli siyang nasaktan ng isang lalaki.
Kaugnay na balita: Kris pinatawad na si James
“Yeah, it hurts. Kasi ako yung nasabihan ng, ‘I never want to talk to you or text you for the rest of my life.’ That’s life. Kung pwede ko lang talaga ma-rewind o ma-edit kung ano yung nangyari,†kuwento niya sa mga guests na sina Pokwang at Erich Gonzales.
“Kina-shock ko talaga yun. Sabi ko, ‘Ouch, how harsh.’ Pero at least 'di ba, walang lokohan,†dagdag niya.
Ilan sa mga na-link sa kanya matapos ang pakikipaghiwalay sa kay James ay sina Makati Mayor Junjun Binay at model/actor Daniel Matsunaga.
- Latest