^

PSN Showbiz

Kris hindi susuko sa pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ni TV host Kris Aquino na muli siyang nasaktan ng isang lalaki.

Sinabi ni Kris sa kanyang reality talk show “Kris TV” na umere ngayong Lunes na mayroon siyang “semi-broken heart.”

“Yeah, it hurts. Kasi ako yung nasabihan ng, ‘I never want to talk to you or text you for the rest of my life.’ That’s life. Kung pwede ko lang talaga ma-rewind o ma-edit kung ano yung nangyari,” kuwento niya sa mga guests na sina Pokwang at Erich Gonzales.

“Kina-shock ko talaga yun. Sabi ko, ‘Ouch, how harsh.’ Pero at least 'di ba, walang lokohan,” dagdag niya.

Aniya nangyari ang pang-iiwan sa kanya bago ang kanyang kaarawan at Araw ng mga Puso.

Kaugnay na balita: Kris sa alegasyon kay James – ‘Hindi niya kayang magbenta ng laro’

Sa edad na 43 ay naniniwala si Kris na kailangan pa rin niyang bigyan ng pagkakataon ang pagmahahal.

“Kasi 'di ba, if you won’t give yourself a chance how will you ever get a chance? I’m giving myself a chance.”

Naunan nang isiniwalat na mayroong manliligaw ang kapamilya star ngunit hanggang sa huli at hindi ito napangalanan.

Ilan sa mga na-link sa kanya matapos ang pakikipaghiwalay sa dating asawang si James Yap ay sina Makati Mayor Junjun Binay at model/actor Daniel Matsunaga.

“Sabi ng ate ko talaga kagabi, ‘Well he had the courage to take you out and like you. So malakas din ang loob niya to tell you ayaw na niya sa iyo.’ Reality, 'di ba. Sabi ng ate ko, ‘If he doesn’t like my sister, he’s not good enough for my sister,’ Sabi ko, ‘Tama!,’” dagdag ni Kris.

ANIYA

DANIEL MATSUNAGA

ERICH GONZALES

JAMES YAP

KASI

KRIS

KRIS AQUINO

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with