^

PSN Showbiz

NBI sa kaso ni Vhong: Walang rape

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng National Bureau of Investigation na nagkaroon ng attempted rape sa kaso ni Vhong Navarro at modelong Deniece Cornejo base sa mga ebidensya.

Sinabi ng NBI ngayong Miyerkules na imposibleng magkaroon ng tangkang panggagahasa dahil wala naman sa loob ng condomnium unit si Cornejo nang pumasok si Vhong.

"It is not possible na sinasabi nilang attempt to rape Ms. Cornejo... very glaring sa ating footage na there is no incident na si Deniece was inside that room" pahayag ni NBI director Vicente de.

Dagdag niya na nagtugma ang salaysay ni Vhong na “na-setup” siya nang may dalawa nang lalaki ang nasa loob ng unit ng dumating ang TV host.

Kaugnay na balita: Kuha sa CCTV magagamit vs Vhong - Lee at Cornejo

"There was no video footage na pumasok 'yung dalawa.  Ibig sabihin nandun na sila ahead of Mr. Vhong Navarro and the group of Cedric (Lee)," wika ng pinuno ng NBI.

Base sa kuha ng closed circuit television camera, lumabas ng kanyang unit si Cornejo nang dumating si Vhong.

Ilang minuto lamang ang nakararaan ay dumating na ang negosyanteng si Lee at umakyat sa 2nd floor kung nasaan si Navarro.

Nakita rin sa video na kasama ni Lee sina Ferdinand Guerrero, Zimmer Rance alyas Mike, kapatid na si Bernice Lee at dalawa pang lalaki.

Kaugnay na balita:  Lee, Cornejo kinasuhan ng NBI sa 'pambababoy' kay Vhong

Nahagip din sa camera ang paglabas ng mga kalalakihan kasama ang nakataling si Vhong.

Ipinatawag na ng NBI sina JP Calma at Jeff Hernandez na nasa loob na ng condominium unit nang dumating si Vhong.

Kaugnay na balita:  Rape at hindi attempted rape ikakaso ng kampo ni Cornejo kay Vhong

Nalaman din na si Soledad Ramos ang may-ari ng unit na pansamantalang tinutuluyan ni Cornejo.

"Nine days palang ino-occupy ni Ms. Cornejo yung unit after the stay of a Malaysian.”

Patung-patong na kaso ang isinampa ng NBI kina Cornejo, Lee at iba pang kasamahan matapos mapatunayang binugbog nila ang artista.

Inihain kahapon ng NBI ang mga kasong kidnapping, serious illegal detentionserious physical injuries, grave threats, grave coercion, unlawful arrest, threatening to prevent publication in exchange for compensation na walang piyansa.

BERNICE LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

FERDINAND GUERRERO

KAUGNAY

LEE

MS. CORNEJO

NBI

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with