John Lloyd at iba pang sosyalera nakatikim ng bagsik Anne nanampal daw, nairita nang katukin sa CR
Mama Salve, shocking naman ang kuwento na nakarating sa akin tungkol kay Anne Curtis. Parang hindi ako makapaniwala na nanampal si Anne dahil nairita ito sa kumakatok habang nasa loob siya ng toilet ng isang bar sa The Fort, Taguig City.
Diumano, tatlo at hindi lamang isang tao ang sinampal ni Anne, si John Lloyd Cruz, JR Isaac, at isang babae na Leah ang name. Pati raw si Phoemela Baranda, tinalakan ni Anne at sinabihan nito na kaya niya na bilhin.
Mabait at sweet ang image ni Anne kaya marami ang nabigla sa kuwento na kumakalat. Hindi raw kaagad pumutok ang kuwento dahil kinabukasan, agad na nag-sorry si Anne sa mga tao na sinampal niya pero hindi maiiwasan na marami pa rin ang nagalit sa kanyang ginawa.
Imposible raw na hindi lumabas ang kuwento dahil marami ang nakasaksi sa nangyari at mga kilala pa ang mga slapping victim ni Anne.
Big star si Anne at maraming mga product endorsement. I’m sure pagpipistahan ng mga intrigera ang kontrobersiya na kinasasangkutan niya.
Ayoko sanang paniwalaan ang kuwento pero detalyado ang kuwento tungkol sa insidente na nangyari, ilang araw na ang nakararaan. Galit na galit daw kay Anne ang kapatid ng isa sa mga sinampal niya. Hindi raw tama na bigla na lamang sinampal ang kanyang kapatid na walang kinalaman sa problema ng aktres.
Hintayin muna natin ang paliwanag ni Anne tungkol sa nangyari. Importante na malaman ang kanyang panig para maging malinaw ang lahat.
Kung nalaman ko agad ang kontrobersiya na kinasasangkutan ni Anne, natanong ko sana ang kanyang kapatid na si Jasmine Curtis Smith sa presscon ng Flawless noong Biyernes.
Type na type ng mga reporter si Jasmine dahil mabait at magiliw siya na kausap. Ikinumpara pa nga siya ng mga reporter kay Anne dahil halos pareho ang kanilang ugali.
Idol na idol ni Jasmine si Anne. Hoping nga siya na masundan ang yapak at showbiz success ng kanyang ate.
Aktres na lampas na sa kalendaryo ang edad finally natagpuan na ang true love
Happy ako para sa isang aktres na malapit nang ikasal pero hindi ko muna ire-reveal ang kanyang name. Hahayaan ko na siya ang magsalita tungkol sa kanyang altar date.
Mabait at respetado ang aktres. May biruan sa showbiz na kapag siya ang inaway mo, tiyak na ikaw ang may kasalanan dahil napaÂkabait niya. Generous din siya at madaling hingan ng tulong.
Sigurado ako na magiÂging inspirasyon ang aktres ng mga kababaihan na hindi nawawalan ng pag-asa na matatagpuan nila ang kanilang true love, hitsurang sobÂrang lampas na sa kalendaryo ang edad nila.
Mga Pinoy nagluluksa sa pang-iiwan ni Paul Walker
Hindi ako masyadong pamilyar kay Paul Walker dahil hindi ko napanood ang kanyang mga pelikula.
Nagluluksa ang mga tagahanga ni Paul dahil sa kanyang untimely death kahapon (Sabado ng hapon sa Amerika).
Sumabog at nasunog ang sasakyan ni Paul nang bumangga ito sa puno. Ikinagulat ng buong mundo ang malungkot na balita.
Nalungkot din ang mga Pilipino sa nangyari kay Paul dahil tumutulong ito sa paglikom ng pondo para sa mga nasalanta ng Yolanda. Bale ba, dumalo sa fund-raising event para sa typhoon victims nang mangyari ang aksidente.
- Latest