^

PSN Showbiz

Isang linggo raw mawawala sa ere: Korina bakasyon o pinagbakasyon?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Isang linggo palang hindi mapapanood si Korina Sanchez sa TV Patrol. Balita ng source, bakasyon daw ang press release na pinalulutang.

Pero may duda silang pinagbakasyon ang misis ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas dahil sa epekto ng mga banat sa pagkontra ni Ms. Korina sa report ng American journalist na si Anderson Copper sa CNN. Maalalang nag-dialogue si Ms. Korina sa kanyang radio show na Rated Korina sa DZMM na mukhang hindi alam ni Cooper ang kanyang sinasabi na walang government presence sa hinagupit ng bagyong Yolanda. Ang kaso mo, hindi ‘yun pinalampas ni Cooper at sinagot sabay pag-replay sa kanyang report para patunayang wala siyang sinabi na ganun.

Hinamon pa nito si Korina na pumunta ng Tacloban para malaman ang totoong sitwasyon doon.

Kaya pinagdudahan si Ms. Korina na nag-react agad na hindi napapanood ang report ni Cooper.

Ayun nag-init ang mga tao at kinampihan si Cooper. Pumunta naman si Korina sa Ormoc, Leyte pero hindi na siya nakapag-report at kahapon may nagbulong ngang source na isang Linggo siyang mawawala sa ere.

Si Cooper naman ay pinasasalamatan pa ngayon ng mga Pinoy dahil kung hindi raw dahil sa kanya, hindi malalaman ng buong mundo ang katotohan sa mga winarak ng super bagyong Yolanda.
Ngayon lahat ng mayayamang bansa, kanya-kanyang padala ng tulong sa mga biktima na ang ilan ay nagtitiis pa rin sa gutom at hirap.

Lea, Regine, at Sarah ibang klase ang ginawa

Puwede na kayang tawaging the new concert queen si Sarah Geronimo?

Last Friday night, pinatunayan niya na papasa siya sa nasabing titulo na ikinabit noong kainitan ni Pops Fernandez.

Pinatunayan niya sa Perfect 10 concert na ginanap sa Araneta Coliseum ang galing niya bilang performer sa isang high tech concert.

Celebration ‘yun ng kanyang 10th anniversary sa showbiz kaya ipinakita ang mga naging achievements niya bilang singer, actress at TV host.

Kuwento niya pinagtrabahunan niya ang lahat ng kung anumang meron siya sa kasalukuyan.

Ayon kay Sarah, nung bata siya makapal ang mukha niya sa tulong ng mga magulang niya. “Destiny is a choice, not a chance,” dialogue ni Sarah.

Ipinakita rin ang video nang kumanta siya sa isang prayer rally noong 4 years old lang siya habang bumibirit ng kantang Sino ang Baliw. Hindi pa raw niya naiintindihan ang ibig sabihin ng nasabing kanta noon pero naipaintindi sa kanya ng mga magulang niya.

Sa umpisa ng Perfect 10 concert ay nagdasal para sa mga winasak ng super typhoon na Yolanda kung saan inimbita nila ang Red Cross at naglagay ng tao doon para sa mga gustong magbigay ng donasyon. At ang ibang kinita ng Perfect 10 ay ido-donate nina Sarah at ng Viva Concert.

Naghandog din si Sarah ng kanta habang ipinakikita sa screen ang iba’t ibang images sa nangyaring trahedya dahil sa bagyong Yolanda. Kinuwento pa niya na napanaginipan niya ang mga napapanood niyang images sa TV.

At ang isang sobrang kinabiliban siya ay nang kantahin niya ang Creep.

Naging guest niya sina Regine Velasquez and Lea Salonga.

Nauna silang nag-duet ni Regine at sumunod si Lea. After ng duet nila Sarah and Lea, lumabas si Regine. Bongga ang number nila na bibihirang mangyari. Imagine nga naman nagsama-sama sila sa iisang stage.

Kinanta nila ang Barbara Streisand medley - People, Memory, Papa Can You Hear Me, Tell Him, and Somewhere.

Feel na feel ng tatlo ang kanta kaya todo ang tilian ng fans at nagtayuan pa.

May repeat ang Perfect 10 sa SM MOA Arena kaya sa mga hindi nakapanood, may chance pa kayong mapanood ang concert ni Sarah na kakaiba sa mga nauna niyang concert.

Empire State nakiisa sa pagdurusa ng ‘Pinas

Kulay ng bandila ng Pilipinas ang ilaw na makikita ngayon sa Empire State Building sa New York. Kaya naman nagbunyi na naman ang mga Pinoy sa social media dahil ito naman ang isini-share nila.

Mismong ang Empire State Instagram account ang nag-upload na may caption na : Tonight and tomorrow night, we shine our lights in the colors of the #Philippines flag – red, blue, yellow and white – to raise awareness and support for the country as they recover from Typhoon Haiyan.

Bago ang ilaw ng Philippine flag, red and green ang ilaw sa iconic na Empire State Building para sa opening ng 2013 Radio City Christmas.

Talagang may mga statement ang kulay ng ilaw ng nasabing building.

vuukle comment

ANDERSON COPPER

ARANETA COLISEUM

EMPIRE STATE BUILDING

MS. KORINA

NIYA

SARAH

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with