^

PSN Showbiz

Umaasang babalik sa normal ang relasyon Derek nagsalita sa naunsyaming ‘forever’ nila ni Cristine

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Tuloy ang biyahe ng mag-ex na Derek Ramsay at Cristine Reyes sa Hawaii tomorrow. Pero hindi sabay aalis ang dating magkarelasyon. Mauuna si Derek kasama ang manager na si Joji Dingcong. At si Cristine, sa isang araw, October 10 pa. Ang katuwiran ni Joji, ayaw nilang ma-harass so gusto nilang mauna na doon. May naka-schedule rin daw golf si Derek kaya mas maaga sila.

Matagal nang naka-schedule ang show na ito ng mag-ex. Nang i-book sila rito hindi pa mag-on ang dalawa, at nang matuloy na nga, wala na sila.

Tatlong shows ang gagawin nila sa iba’t ibang lugar sa Hawaii.

So may chance bang makapag-usap sila at magkabalikan pa ngayong magsasama sila sa Hawaii? “We’re friends and I can’t predict the future,” mabilis na sagot ni Derek kahapon sa press preview ng bago niyang serye sa TV5, ang For Love or Money na magsisimulang mapanood sa October 17, 8:30 to 9:30 p.m. Once a week ito mapapanood pero isang oras naman eere.

At habang nagpi-preview, nakita namin na nagpupunas ng mata si Derek. Umiiyak siya.

Kaya naman after the preview na nagkaroon immediately ng question and answer portion, hindi na siya tinantanan. At in fairness, sinagot  naman niya at hindi siya umiwas.

 â€œOver fatigue lang ’to. I don’t sleep. My slee­ping is affected already and if I get like a chance to go to bed at eight in the morning, hindi ako maka­tulog. Nagse-shake nga ako and my hands keep sweating. I really need to see a doctor,” depensa ng hunk actor sa nakita naming ‘pag-iyak’ niya.

Ilang araw na raw ka­sing masama ang pakiramdam niya.

Eh ano ba talagang nangyari sa kanila ni Cristine at pinalalabas na siya ang nang-iwan dahil daw sa shocking na ugali ng actress?

 â€œWalang may mali. Walang may kasalanan. Walang may masama. It was just a decision that was made. There’s nobody wrong. It’s just nangyari. Nangyari lang ang nangyari.

 â€œKung sa ugali, guys, tatlong taon ko siyang kilala, tatlong taon ko siyang kaibigan. Bakit siya ang inaano? Bakit ang ugali niya (ang sinasabing dahilan)? Walang ganun. Kilala ko ang ugali ni AA (tawag kay Cristine) and she’s a wonderful person.”

At ngayon ay wala silang communication. Hindi sila nag-uusap after nilang maghiwalay.

 â€œRight now, we’re giving each other space kasi masakit naman, ’di ba? Pero kita mo naman we’re still following each other’s Instagram and Twitter accounts. There’s no disrespect coming from both parties and that’s what matters and that’s why we want to keep this private.

 â€œâ€™Yung relationship namin ni AA, tatlong taon (as friends) and I’m always gonna be there for her, as a friend, her best friend, it’s just time we’ll fix everything.”

Pero umaasa ang aktor na babalik sa normal ang kanilang pagkakaibigan.

“I think, we’re gonna be okay and we’ll be going back to the normal friendship that we used to.”

Ayaw niya ring mag-comment sa dineklara niyang ‘forever’ na sila. “I don’t want to say anything. Like I said, this is a private situation to me. We’re going to handle it together or individually. Aminado siya ngayong nami-miss niya ang ex, ang Cristine na kaibigan niya.

 â€œI’m excited to see her. She’s my friend,” diin pa niya.

Samantala, matitindi ang mga eksena ni Derek with Alice Dixson at Ritz Azul sa For Love or Money. May kasamang love scene and seductions. Sa first episode may love scene agad sila ni Ritz na asawa niya sa palabas at si Alice naman ang isang mayaman na ‘binibili’ si Derek?

vuukle comment

ALICE DIXSON

CRISTINE

DEREK

FOR LOVE

NIYA

PERO

SILA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with