^

PSN Showbiz

Matapos ang masalimuot na paghihiwalay, Raymart at Claudine pareho nang masaya sa buhay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parehong July 20, ang birthday nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, pero dahil hiwalay na sila, magkahiwalay din ang birthday celebration nila.

Sa nakita namin sa Instagram, ang mga anak na sina Sabina at Santino, ang inang si Mrs. Inday Barretto at ilang close family friends ang kasama ni Claudine sa salubong ng kanyang kaarawan.

 Si Raymart naman, tila nagpa-dinner dahil may picture itong kasama ang mga taga-Home Sweet Home. Pareho namang masaya ang mukha ng dating mag-asawa, so we presume, masaya sila sa kanilang set-up.

Naunang nag-birthday noong July 19 si Santino, anak ng dating mag-asawa. Sa birthday message ni Claudine sa anak na “we love you, hindi isinama ang pangalan ni Raymart. Ang nakasulat lang ay “Mom and ate Sab.” Si Raymart naman ay sa Facebook binate si Santino.

Marian nakipag-tsikahan sa may-ari ng isang network, pinagsususpetsahang nakikipag-negotiate

Halatang hindi reporter ang pinanggalingan ng balitang nakitang nag-dinner si Marian Rivera kasama ang owner ng network na interesadong kunin siya. Wala kasing ibang detalye, gaya ng kung saang restaurant nangyari at kung kailan ang nakaka-intrigang dinner dahil baka maging signal nang paglipat ng aktres sa ibang network once her contract with her network now expires.

Kasama sa dinner na ‘yun ang new president ng network at bagong head ng isang department ng network. Pero totoong may nangyaring dinner at ang ­manager mismo ng aktres ang nagkumpirma. Hindi na ito nakaiwas sa mga tanong ng mga reporter, kaya lang, ayaw nitong itsika kung ano ang nangyari sa dinner.

Simple dinner lang daw ang nangyari na ayaw paniwalaan ng mga reporter dahil may alingasngas at may mga pahiwatig na rin ang aktres na gusto niyang mag-try mag-work sa ibang network.

Paolo umingay sa panggagaya sa mga Hollywood celebrities

Kung nagkaayos ang negosasyon, papasok si Paolo Ballesteros sa My Husband’s Lover bilang si Zandro, ang bading na pinsan ni Vincent (Tom Rodriguez). Nang magtanong kami last week, ang sabi, kinakausap pa ang aktor na gaganap na out na bading sa hit series ng GMA 7.

Sa simula pa lang, si Paolo na ang gusto ng viewers ng serye role dahil alam nilang keri nitong gampanan ang role ng kaboderang bading. In the news pa naman ngayon si Paolo dahil sa pag-i-impersonate thru’ make-up sa mga Hollywood celebrities.

Samantala, nasa SM Lipa City Event Center, 3:00 pm., ang cast ng My Husband’s Lover bukas.

David marami na agad alam sa buhay

Hindi kami magugulat kung papatok sa viewers ang Binoy Henyo at ang bida nitong si David Remo dahil lovable ang bagets at para talagang maraming alam sa buhay kahit six years old pa lang.

Kuwento ng ama nitong si Don Remo, top sa kanyang klase sa La Salle si David. Champion siya sa Math, reading, at elocution. Hindi ito nahihiyang tumula at kumanta, at magpakitang gilas sa harap ng tao. Anim na buwan palang, nagsalita na at one year old, deretso na ring magsalita, hindi nag-baby talk.

Matatas sa Tagalog si David at pagdating nito ng seven years old, saka siya tuturuang magsalita ng deretsong English ng parents niya para mauna munang matutong magsalita ng Tagalog.

After school ang taping ni David at may cut-off siya para hindi napupuyat. Ang ginagawa ni Direk Albert Langita, pagdating ng bagets sa set, inuuna ang mga eksena para mahabol ang cut-off. Mamaya na after 24 Oras ang pilot ng Binoy Henyo na kapupulutan ng maraming aral lalo na ng mga bata.

vuukle comment

BINOY HENYO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

DAVID REMO

MY HUSBAND

SANTINO

SI RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with