^

PSN Palaro

Knights iiwas mapahiya sa balwarte vs Blazers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Letran Gym)

2 p.m. Letran vs St. Benilde (Jrs/Srs)

MANILA, Philippines - Papanain ng Colegio de San Juan de Letran ang ikatlong panalo sa pakiki­pagharap sa College of St. Benilde ngayong hapon sa pagdayo ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Letran Gym sa Intramuros, Manila.

Galing ang Knights sa 82-75 panalo laban sa Season 92 runner-up Arellano University noong Martes para umangat sa 2-3 baraha.

At nais itong dugtu­ngan ng Letran sa oras na makasagupa nito ang Benilde sa alas-4 ng hapon.

“We hope this win (against Arellano) could start something big for us,” ani Letran coach Jeff Napa.

Matapos makuha ang unang panalo via forfeiture laban sa University of Perpetual Help System Dalta, lumasap ang Benilde ng tatlong sunod na kabiguan kabilang ang masaklap na 55-98 pagkatalo sa Lyceum of the Philippines University noon Martes.

Ito ang pinakamalaking losing margin sa season.

Gumawa rin ang Bla­zers ng 40 turnovers na siya ring pinakamaraming bilang ng pagkakamali sa taong ito.

Gayunpaman, ayaw ni Napa na maging kampante ang kanyang bataan dahil inaasahang gigil ang Bla­zers na makabalik sa porma.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with