^

PSN Palaro

Unang panalo ni Naciluan sa Milo Marathon Manila leg

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Unang panalo ni Naciluan sa Milo Marathon Manila leg

    Tuwang-tuwa ang mga kabataang runners na lumahok sa Milo Marathon Manila leg nitong Linggo. Jun Navarro

MANILA, Philippines -  Kakaiba si Maricris Naciluan sa mga batang nanalo sa nakaraang qualifying legs ng Milo Marathon.

Kung pangarap ng iba na maging miyembro ng Philippine team, ang pagiging police woman naman ang gusto ng 12-anyos na si Naciluan.

“Gusto ko po talagang maging pulis para makatulong sa mga kababayan natin, lalung-lalo na sa lumalaban sa Marawi City,” sabi ng Grade Seven student ng St. Francis of Assisi.

“Kung magkakaroon po tayo ng pagkakaisa at magtutulungan, sigurado pong walang giyera sa bansa natin,” dagdag pa nito.

Tinawid ni Naciluan ang finish line sa tiyempong 21 minuto at 12 segundo para manguna sa women’s 5-kilometer event sa Metro Manila leg ng 41st National Milo Marathon noong Linggo sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Inunahan ni Naciluan sina Harsey Kaye Padre (0:21:45) at Ashley May Oro (0:21:48) para sa first place trophy.

Ito ang unang pagkakataon na lumahok ang four-footer na si Naciluan, ikalawa sa dalawang magkapatid, sa Milo Marathon.

“Medyo kinabahan po sa una, pero nu’ng tumagal na po naging kumpiyansa na po ako na kaya kong manalo sa 5 kilometer event,” sabi ng mahiyaing runner.

Nauna nang lumahok si Naciluan sa nakaraang 2017 Palarong Pambansa na idinaos sa San Jose de Buenavista, Antique noong Abril kung saan siya kumampanya sa girls’ 800-meter at 1,500m run.

Bagama’t nabigong makapag-uwi ng medalya mula sa 2017 Palarong Pambansa ay determinado pa rin siyang magsakripisyo at magtiyaga para makamit ito sa susunod na taon.

Matapos ang panayam sa kanya ay isinakay siya ng kanyang ama sa kanilang motorsiklo tangay ang ngiti mula sa kanyang tagumpay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with