^

PSN Palaro

Milo National Finals dadayo sa Cebu

Pilipino Star Ngayon
Milo National Finals  dadayo sa Cebu

Tiniyak nina (mula kaliwa) Rio dela Cruz, MNM race director, Joey Uy, bussiness executive officer, Ricky Ballesteros, MNM Finals Cebu race organizer, Willy De Ocampo, bussines unit manager, Robbie de Vera at Lester Castillo, Milo Philippines sports executive na magiging matagumpay ang 41st Milo National Ma­rathon na sisimulan sa Linggo sa Urdaneta Pangasinan. (Joey Mendoza)
 

MANILA, Philippines -  Mayroong kabuuang 16 qualifying legs sa buong bansa ang gaganapin sa paglarga sa 41st Milo National Marathon ngayong Linggo sa Urdaneta, Pangasinan.

Pagkatapos ng 16-leg qualifying, idaraos naman ang National Finals sa Cebu City sa Disyembre 3 kung saan target ni Olympian marathoner  Mary Joy Tabal ang makasaysayang ika-limang sunod na titulo sa taunang  Milo National Marathon.

Tiyak na paghahandaan ng husto ng 27-anyos na si Tabal, ang kauna-unahang babae na nakapagtala ng apat na sunod na korona dahil sa kanyang lugar mismo sa Cebu City mangyayari ang bihirang pagkakataon.

Sisimulan ni Tabal ang paghahanda para sa Milo ma­rathon pagkatapos ng 29th Southeast Asian Games kung saan ibinalik siya bilang miyembro ng national athletics team na sasabak sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Agosto 19-30.

Si Tabal na ipinanganak sa Barangay Guba, Cebu City sa ngayon ay nasa Italy para sa kanyang pagha­handa sa darating na SEA Games kung saan hangad niyang malampasan ang silver medal finish noong 2015 sa Singapore.

Inaasahan din ni Milo Sports Executive Robbie De Vera ang mahigit 10,000 runners sa first qualifying leg sa Pangasinan at ito ay susundan sa second leg sa Laoag City sa Hulyo 23 bago ang Metro Manila 3rd leg sa Hulyo 30.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with