Pacquiao mas mababa ang kikitain sa rematch kay Bradley
MANILA, Philippines – Inilabas ng Nevada State Athletic Commission ngayong Huwebes ang guaranteed purse nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley para sa kanilang muling salpukan sa Linggo.
Sigurado na ang $20 milyon na maiuuwi ng Filipino boxing icon, kung saan mas mababa ito ng $6 milyon kumpara sa unang laban nila noong 2012.
Kahit lalaban bilang challenger si Pacquiao sa Linggo ay mas mataas pa rin ang kanyang kikitain kay reigning WBO welterweight champion Bradley.
Kaugnay na balita: Henares kay Pacquiao: Good luck!
Samantala, mas mataas ang maiuuwing pera ni Bradley sa pagkakataong ito kumapra sa kinita niyang $5 milyon noong unang pagkikita nila ni Pacquiao kung saan niya nakuha ang titulo.
Bukod pa sa mga guaranteed purse ay sinabi ni Top Rank chief Bob Arum na mababahagian din ang dalawang boksingero ng kikitain ng pay-per-view.
Umabot sa 890,000 kabahayan ang bumili ng PPV noong Pacquiao-Bradley 1 na katumbas ng $50 milyon.
- Latest