Slaughter, Lassiter umayaw sa Gilas
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kanilang pagtanggi na sumali sa men’s national basketball team ang dalawang bagong recruits na mula sa San Miguel Corporation.
Inanunsyo ni Barangay Ginebra rookie center Greg Slaughter na hindi siya sasali sa Gilas Pilipinas.
Nabanggit ni Slaughter hindi na siya kailangang lumahok dahil sapat na ang koponan na binuo ni Coach Chot Reyes na nanalo sa FIBA Asia nitong Agosto.
“I will not be joining Gilas. I’m very honored that I was selected,†wika ni Slaugher. “I think those 12 should be the ones to go on and represent in Spain.â€
Kaugnay na balita: 16 players ng Gilas pinangalanan na
Samantala, ganito rin ang desisyon ni San Miguel Beermen forward Marcio Lassiter dahil sa aniya’y kanyang kalusugan.
Sina Slaughter at Lassister ang idinagdag ni Coach Chot Reyes sa Gilas pool nitong nakaraang linggo bilang dagdag puwersa sa kanilang paghahanda sa FIBA World Cup.
Sina Jimmy Alapag, LA Tenorio, Jayson Castro, Larry Fonacier, Jeff Chan, Gabe Norwood, Gary David, Ranidel Ocampo, Marc Pingris, Japeth Aguilar, Junemar Fajardo at naturalized player Marcus Douthit ang mga manlalaro na nakopo ang second place sa FIBA Asia.
- Latest