Martinez wala nang problema sa paggamit ng skating rinks
MANILA, Philippines - Hindi na magkakaroon ng problema si figure skater Michael Christian Martinez para sa pambayad sa paggamit ng skating rinks matapos bigyan siya ng Lifetime Skating Privilege ng SM Prime Holdings, Inc.
Ang pangulo na si Hans Sy ang siyang nanguna sa mga regalong ibinigay kay Martinez matapos ang magandang ipinakita sa katatapos na Winter Games sa Sochi, Russia.
Tumapos ang 17-anyos na si Martinez sa ika-19th puwesto sa 29 na naglaban sa dalawang araw na kompetisyon.
Bukod sa Liftime Skating Privilege na magagamit sa lahat ng skating rinks na pag-aari ng SM, ginawaran din si Martinez ng $10,000.00 (P450,000.00) tseke mula sa SM Foundation Inc. May mga nakuha rin siyang mga regalo at gift cerrtificates sa iba pang kumpanya na pag-aari ng SM.
Dumating kahapon mula sa Sochi si Martinez at ipinÂÂaÂrada siya mula sa airport hanggang sapitin ang Mall of Asia.
Ilan araw lamang siyang magpapahinga dahil may nakahanay siyang mall tour para pasalamatan ang mga kababayan na sumuporta at nanalangin sa kanya.
Magiging abala si Martinez sa Marso dahil nakatakda siyang sumali sa World Junior Figure Skating Championships sa Sofia Bulgaria.
Ang torneo ay itinakda mula Marso 10 hanggang 16 at ang nakuhang karanasan sa Russia ay magtitiyak sa kakayahan niyang higitan ang ikalimang puwestong pagtatapos noong nakaraang taon.
May plano rin para siya ay magsanay sa US bilang paghahanda sa Grand Prix na idaraos sa Agosto.
- Latest