Pacquiao nangakong babawiin ang titulo kay Bradley
MANILA, Philippines – Kasado na ang muling bakbakan ni eight-division champion Manny Pacquiao at Timothy Bradley, kaya naman tiniyak ng kongresista na kukunin niya ang inagaw na WBO welterweight belt sa kanya.
Nangako si Pacquiao na babawi mula sa naging kontrobersyal niyang pagkatalo kay Bradley noong 2012.
"This will be a different fight. I will get back from me what he took from me in this last fight," pahayag ng Filipino boxing icon sa kanyang panayam sa ringtv.com.
Nais ng Saranggani representative na ituloy ang nakuhang momentum sa huling panalo niya laban kay Brandon Rios upang maibalik ang kanyang pangalan sa tuktok.
"I'm happy that Bradley agreed to fight me a second time," dagdag ni Pacquiao na naputol ang 31-fight winning streak sa American boxer.
Kaugnay na balita: Pacquiao vs Bradley sa Abril 12 sa Vegas kumpirmado na
Dalawang beses nang nadepensahan ni Bradley ang titulo laban sa Rusong si Ruslan Provodnikov at karibal ni Pacquiao na si Juan Manuel Marquez.
Samantala, sinabi ni Top Rank boss at promoter Bob Arum na mas matikas na Bradley ang makakalaban ni Pacquiao.
“Bradley is a much different fighter since their last meeting,†wika ni Arum. “The fight of the year, beaÂting Marquez, he’s going to be much tougher on Manny this time.â€
“Many felt he didn’t win that first fight. Now, he wants to win without controversy,†dagdag ng 82-ayos na promoter.
Makatatanggap ng $20 milyon si Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) sa kanilang laban ni Bradley (31-0-0, 12 KOs) na may siguradong $6 milyon, ayon sa mga ulat.
- Latest