^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dekorasyon lang ang Anti-Hazing Law

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dekorasyon lang  ang Anti-Hazing Law

MARAMING batas sa bansang ito ang nagiging dekorasyon lang at ang iba naman ay hindi na kinatatakutan. Gaya ng Anti-Hazing Law (Republic Act 8049) na ipinasa para magsilbing gabay at nang hindi na maulit ang mga madudugong trahedya dahil sa hazing pero wala ring epekto. Marami nang buhay ang nasayang dahil sa hazing pero wala pang masasabing napaparusahan nang mabigat. Ang mga gumawa nang karumal-dumal sa kanilang ka-brod ay nananatiling nakalalaya. Balewala lang.

Ang pinaka-latest na casualty ng hazing ay si Horacio Castillo, 22, law student sa University of Santo Tomas. Natagpuan ang katawan ni Castillo sa bangketa sa Balut, Tondo na nakabalot sa kumot at pawang pasa ang mga braso at may mga patak o tulo ng kandila sa katawan. Isinugod ng isang lalaki sa ospital si Castillo pero dead on arrival na ito. Ang mga magulang ni Castillo na ang nagsabi na namatay sa hazing ang kanilang anak. Ayon sa mag-asawa nagpaalam ang kanilang anak na dadalo sa welcome rites para sa mga bagong miyembro ng Aegis Juris Fraternity. Wala raw hazing na magaganap. Pero kabaliktaran pala. Parang hayop na pinatay ang kanilang anak. Humihingi ng hustisya ang mga magulang sa pagkamatay ng nag-iisang anak.

Isinasaad sa RA 8049 na bawal isailalim sa hazing­ ang miyembro ng fraternities, sororities at iba pang organisasyon. Habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa mga nag-hazing kapag namatay ang mi­yembro.

Mahirap pang sabihin ngayon kung mapaparu­sahan ang mga pumatay kay Castillo. Marami nang katulad na kaso na hindi umusad at nauhaw sa hustisya ang pamilya ng biktima. Halimbawa ay ang mga kaso ng hazing victims na sina Marc Andrie Marcos at Marvin Reglos ng San Beda School of Law at ni Guillo Ceasar Servando ng De La Salle-College of St. Benilde. Wala nang nababanggit kung ang mga akusado sa mga nabanggit na biktima ay naparusa­han na. Nasaan na sila? Hindi kaya nakapangi­bang bansa na ang ilan sa mga akusado?

Kailangang rebyuhin ang RA 8049 kung mahalaga pa ba ito o hindi na. Kung kailangang dagdagan ng pangil, bakit hindi para magbigay sindak sa mga “uhaw sa dugong” miyembro ng fraternity.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with