^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babala sa mga pulis na ‘tanim-droga’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Babala sa mga pulis na ‘tanim-droga’

NOON ay tanim-bala ang nauso sa NAIA, ngayon ay ‘‘tanim-droga’’ naman ang pinauuso ng mga pulis para sa kanilang drug campaign. Pero ang matindi, ginagawa nila ang tanim-droga para makapa­ngotong. Namemera lang sila. Sa takot ng kanilang ‘‘tinaniman’’, magbibigay na lamang ng pera. Bukod sa droga, karaniwan na ring itinatanim ang baril.

Ganito ang sinasabing modus ng mga corrupt na pulis sa kasalukuyan. Maraming ganitong pulis at tila wala silang takot sa kabila na nagbabala si Pres. Rodrigo Duterte na mapaparusahan ang mga pulis na nagtatanim ng ebidensiya o ng droga mismo. Ayon pa sa Presidente, ang mga pulis na nagtatanim ng droga ang nararapat patayin.

Ang isyu sa tanim-ebidensiya ay naging kontrobersiya makaraang patayin ang 17-anyos na si Kian delos Santos noong nakaraang linggo. Tatlong pulis ang nakunan ng CCTV habang akbay si Kian at dinadala sa isang lugar sa Sta. Quiteria, Caloocan City. Makaraan iyon, natagpuan ang bangkay ni Kian na nakasubsob sa isang basurahan. May mga tama ito ng bala sa katawan.

Ayon sa mga pulis, nanlaban si Kian at nagpapu­tok ng baril. Gumanti sila at napatay si Kian. Nakuha umano kay Kian ang isang caliber 45 at dalawang sachet ng shabu. Ayon naman sa hepe ng Caloocan police, drug runner si Kian sa lugar.

Taliwas naman ito sa salaysay ng mga witness na binigyan ng baril si Kian at sinabihan daw ng mga pulis na iputok ito. Binaril daw si Kian habang nakaluhod. Hindi raw drug runner si Kian. Mabait na bata raw ito. Inilibing si Kian noong Sabado sa La Loma public cemetery. Marami ang nakipaglibing. 

Si Duterte ang nag-utos kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na arestuhin ang tatlong pulis at sampahan ng kaso kung may sapat na ebidensiya. Hindi raw niya kukunsintihin ang mga pulis na nagtatanim ng ebidensiya. Galit siya sa mga pulis na ganito ang ginagawa. Hindi niya kakampihan ang mga ito.

Sinampahan na ng kaso ang mga pulis noong nakaraang linggo at umaasa ang mga magulang ni Kian na uusad na nga ang kaso lalo pa’t nagpaha­yag ang Presidente na mananagot ang mga ito kapag napatunayang lumabag sa batas. Sana nga hindi niya kampihan ang mga pulis na “utak pulbura”.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with