^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bakit unli rice ang sisisihin?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bakit unli rice ang sisisihin?

BALAK ni Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food na ipagbawal sa mga restawran ang unlimited rice servings. Ayon kay Villar, unhealthy ang unli rice at dapat mag-switch ang mga Pilipino sa brown rice para matulungan ang bansa na maging self sufficient sa rice supply. Bukod doon sinabi niyang ang unli rice ay masama sa kalusugan at dapat kumain ang mga Pilipino ng mga gulay. Mabuti aniya ang brown rice sa kalusugan  kaya nararapat lamang na ipagbawal sa mga fastfood chain ang promo na unli rice.

Kapag ipinagbawal ang unli rice sa mga restaurant maraming aangal sapagkat ang isang takal na kanin ay kulang sa isang taong nagbabanat ng dugo. Kailangan niya ng energy para makapagtrabaho nang maayos. Kaya namang sunugin ng kanyang katawan ang dalawa o tatlong takal ng kanin. Ma­lakas kumunsumo ng kanin ang mga nagtatrabaho sa konstruksiyon, pabrika, bukid at iba pang ang trabaho ay nakalantad sa araw. Kung kaunting kanin lang, manghihina sila.

Aangal din ang mga nagba-budget sapagkat sa kanin lamang sila bumabawi. Kahit na kaunti ang ulam, basta marami at mainit ang kanin, okey na sa kanila.

Hindi ang unli rice ang dahilan kung bakit may mga nagkakasakit na gaya ng diabetes. Nasa tao ang deperensiya kung bakit siya nagkakasakit. Ka­walan ng disiplina sa pagkain o ang kanyang lifestyle. Kawawa naman ang unli rice na napuntirya ni Villar na ipagbawal sa mga restawran. Ano naman kaya ang sagot ng mga may-ari ng restaurant kung ipagbawal ang unli rice na panghikayat nila sa customer.

Sabi ni Villar, dapat mag-switch sa brown rice ang mga Pinoy sapagkat maganda ito sa kalusugan. Tama siya pero sa ngayon, mahirap isaksak sa lalamunan ng mga Pinoy ang brown rice. Hindi pa handa ang karamihan sa pagkain nito bukod pa sa mahal ito.

Mas maganda kung ang isusulong ni Villar ay ang wasto at regular na pag-eehersisyo ng mga Pinoy na nakakalimutan na nang nakararami.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with