^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Batas sa ‘no smoking’ hindi naipatutupad

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Batas sa ‘no smoking’ hindi naipatutupad

NOONG nakaraang Mayo, nilagdaan ni Pres. Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko at sa loob ng mga gusali. Hindi na makapagsisindi ng yosi ang sinuman. Kailangang sa designated smoking areas lamang makakapanigarilyo. Sakop din ng EO ang pagbabawal sa mga menor-de-edad na manigarilyo at magtinda ng sigarilyo. Bawal ding magtinda ng sigarilyo sa mga lugar na kada­lasang pinupuntahan ng mga menor-de-edad. Hinihikayat naman ang local government units (LGUs) na ipatupad ang pagbabawal sa paninigarilyo.

Pero hindi naipatutupad ang kautusan sapagkat marami pa rin ang naninigarilyo sa lugar na pinag­babawal. May mga government offices na nanga­ngamoy yosi at nalalanghap ninuman ang mabahong amoy. Nakakasulasok ang usok ng yosi na deli­kado sa kalusugan. Maski sa mga parke o plaza, ganito rin ang nakikita. Akala yata, porke nasa parke sila, libre nang magyosi. At walang pumapansin sa kanila. Balewala ang batas na nagbabawal manigarilyo.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ay ipinatutupad upang makaiwas sa pagkakasakit ang mamamayan. Ang second hand smoke ay matindi ang epekto sa mga nakalalanghap nito. Sa report ng World Health Organization (WHO), limang milyong tao ang namamatay taun-taon dahil sa paninigarilyo at nadadagdagan kung hindi magkakaroon nang seryosong kampanya sa panini­garilyo.

Ayon sa DOH, ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay hypertension, heart attack, stroke, cancer at lung disease. Umano’y 14 milyong Pinoy ang may hypertension at ang dahilan ay ang paninigarilyo. Ang chronic obstruction pulmonary disease (COPD) ay isa sa mga sakit na dulot ng pani­ni­ga­rilyo.

Ipatupad ang batas na nagbabawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar. Kumilos naman ang local­ government units para ma-implement ito. Iligtas ang mamamayan sa pagkakasakit dahil sa second-hand smoke.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with