^

Metro

2 ginang timbog sa 58K pekeng pera

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Tindera sa palengke binibiktima

MANILA, Philippines — Nahaharap ngayon sa  kasong ‘counterfeiting of Phi-lip­­pine currency’ ang dalawang babae kabilang ang isang lola nang mahulihan ng hindi bababa sa P58,000 halaga ng mga pekeng pera sa isang palengke sa Navotas City, Martes ng umaga.

Nakilala ang mga nadakip na sina Erlinda Lumida, 60, ng Makanene, Caloocan City; at si Sharon Ancheta, 45,  ng  Baritan Street, Malabon City.

Inireklamo ang dalawa  ng kanilang mga nabiktimang mga  tindera sa San Roque Public Market na sina Evangelyn Orog, 46; Edelyn Andrino, 38; Marilou Guillermo, 48; Leroy Salvador, 59; at Eduardo Billones, 44, na binayaran ng mga ito ng pekeng pera.

Sa ulat ng Navotas City Police, bumibili ng isdang ba-ngus ang mga suspek sa stall             ni Orog dakong alas-9 ng umaga nang mapansin niya  na peke ang perang ibinayad sa kanya. Dito inalerto ng biktima ang mga kasamahang tindera at pinigil ang mga suspek hanggang sa duma-ting ang mga barangay tanod.

Sa loob ng barangay hall, nagreklamo rin ang iba pang mga tindera sa palengke na nabiktima rin umano ng dalawa.  Dito sila ininspeksyon ng mga pulis at nakumpiska pa sa kanilang posesyon ang iba pang Philippine bills na may halagang P1,000 at P500 na hinihinalang mga peke dahilan para arestuhin sila.

Dinala naman ang mga nakumpiskang mga bills sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang isailalim sa kaukulang pagsusuri para isailalim sa berepikasyon at magamit na ebidensya sa korte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with