^

Metro

Mandaluyong Police chief, 10 pa sinibak!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mandaluyong Police chief, 10 pa sinibak!

Isa-isang ipinasailalim sa interogasyon ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde ang 10 pulis na sangkot sa sinasabing misencounter na nakapatay ng dalawang katao at dalawa pa ang sugatan sa Shaw Blvd., Mandaluyong City kamakalawa ng gabi. Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Sinibak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde ang hepe ng Mandaluyong City Police at 10 pa nitong tauhan matapos ang “misencounter” o “mistaken identity” nitong Huwebes ng gabi na ikinasawi ng dalawang sibilyan at ikinasugat ng dalawang iba pa sa lungsod.

Inianunsyo kahapon ni Albayalde ang pagsibak kay Senior Supt. Moises Villaceran Jr. na nito lamang Disyembre 6, 2017 naupo bilang hepe ng Mandaluyong Police dahil sa isyu ng “command responsibility” at sa 10 tauhan nito habang isinasagawa ng imbestigasyon.

Dinisarmahan at isasailalim naman sa ballistic test ang     mga armas ng mga sangkot na pulis na sina Sr. Inspector Maria Christina Vasquez, PO2 Nel Songalia, PO1 Kim Tinbusay , PO1 Alfred Urbe, PO1 Jave Arellano, PO1 Tito Danao, PO1 Bryan Nicolas, POI Julis Libuyen, PO1 Mark Castillo at PO1 Alberto Bijag upang mabatid kung sino sa kanila ang nagpaputok ng baril. Sila ay isinailalim din sa “restrictive custody” ng Eastern Police District (EPD).

Pansamantalang hahalili kay Villaceran habang sumasa­ilalim sa imbestigasyon si Supt. Enrique Agtarap, deputy chief ng Mandaluyong City Police.

Base sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Shaw Boulevard sa Old Wack-Wack, Brgy. Peasant Hills, Mandaluyong City.

Ayon pa sa NCRPO chief, aalamin sa imbestigasyon kung may nalabag sa “rules of engagement” ang mga nasibak na parak.

Kaugnay nito, sinuspinde ni Mandaluyong City Mayor Carmelita “Menchie “ Abalos ang mga barangay tanod na sangkot sa nasabing pamamaril. Binigyan ng 24 oras ni Abalos ang mga tanod para isuko ang kanilang mga armas.

Sa liham ni Abalos kay Brgy. Addition Hills Chairman Kent Faminial, kinondena nito ang insidente at inatasan niya ang huli na magsagawa ng masusing imbestigasyon at ipatupad ang agarang pagsuspinde sa mga namaril na mga tanod.Pinakukumpiska rin nito ang mga baril ng mga tanod na hindi awtorisadong magbitbit ng mga armas.

Sinasabing ang mga umabusong mga tanod ay sina Ernesto Fajardo at Gilberto Gulpo, driver ng Brgy. Mobile Patrol na nakitang nagpapaputok ng baril sa behikulo ng mga sibilyan na ikinasawi nina Jonalyn Ambaon at Jomar Hayawon at malubhang ikinasugat nina Eliseo Aluad at Danilo Santiago Jr. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with