^

Metro

4 bebot malubha sa ‘road trip’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na babae ang malubhang nasugatan makaraang mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo nang umano’y mag-road trip at makabundol pa ng isang babae sa kalsada, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Isa sa tatlong sakay ng motorsiklo ang nakilalang si Joy Ajesta, 19, habang nakilala naman ang nabundol nila na si Mary Joy Tinampay, 18, ng 4th Avenue, naturang lungsod. Pawang isinugod ang apat na sugatan sa Caloocan City Medical Center.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-3 ng madaling araw habang pawang mga lasing umano sina Alesta at dalawang kasamang dalaga nang mapagtripan na mag-joy ride sakay ng isang motorsiklo sa may A. Mabini Street, Brgy. 15 malapit sa Caloocan City Hall.

Ayon sa mga nakasaksi, napakabilis umano ng patakbo ng mga biktima sa motorsiklo hanggang sa tuluyang mawalan ng kontrol si Ajesta at tumama sa gutter ng kalsada. Tiyempo naman na nandoon si Tinampay na nabundol rin ng motorsiklo.

Agad namang nasaklolohan ng Caloocan Rescue Unit ang mga biktima at naisugod sa CCMC na may ilang metro rin ang layo sa pinangyarihan ng insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with