^

Metro

Sunog sa Quezon City: 300 bahay naabo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 300 bahay ang naabo sa sunog na naganap sa isang compound sa Brgy. Baesa, Quezon City kahapon ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat ni Senior Supt. Jesus Fernandez city fire marshal, ang sunog ay nangyari sa may compound ng informal settlers sa Sitio Pajo Brgy. Baesa sa lungsod.

Sinasabing nagsimula ang sunog dakong alas-2:34 ng hapon sa bahay umano ng mag-asawang Meanne at Jimmy Torres sa ground floor na pinaglalagyan ng kanilang negos­yong upholstery.

Dahil gawa lang sa light materials ang bahay ay mabilis na kumalat ang apoy at naging makapal na ito kung kaya hindi na nagawang maapula hanggang sa kumapit na rin ang apoy sa magkakadikit na mga bahay dito.

Ayon sa ulat, ang makitid na eskinita ang nagpahirap sa kanila para agad na maapula ang apoy dahil tanging isang trak lamang ang maaaring makapasok upang magbuga ng tubig.

Kaya naman napilitan na lang ang BFP pagdugtungin ang kanilang mga hose para maisalin ang tubig na magagamit sa pag-apula ng apoy.

Maging ang mga residente ay nagbayanihan sa pag-apula ng apoy sa pamamagitan ng pagpasa-pasa ng timbang puno ng tubig.

Umabot na sa Task Force Charlie ang sunog na idinek­larang fire under control, ganap na alas-5:07 ng hapon.

Tinatayang nasa 600 pamilya ang nawalan ng tirahan at nasa P3-milyon na ang inisyal na napinsalang ari-arian. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog.

Sa kasalukuyan, patuloy ang operasyon ng mga bumbero para tuluyan ng maapula ang sunog.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with