^

Metro

Tinanggalan pa ng laman-loob... Misis ‘kinarne’ ng mister na Taiwanese

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos ang sina­pit ng isang ginang na matapos pagputul-putulin ang ulo at katawan ay tinanggalan pa ng laman-loob ng kanyang mister na Taiwa­nese dahil sa matinding selos, kamakala­wa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang nasawing  biktima na si Rowena Coba­lida Kuo, 47, nakatira sa Taylo St., Brgy. Pio Del Pilar ng naturang lungsod.

Nasa custody na ng Ma-kati City Police ang sus­pect na si Yuan-Chang Kuo, 46, nakatira sa nasabing lugar.

Sa ulat na isinumite ni PO3 Ronaldo Villaranda, ng Station Investigation Branch (SIB), Homicide Section kay Senior Supt. Ernesto T. Barlam, hepe ng Makati City Police, dakong alas-9:15 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang mga anak na sina Joanne Jane Tiongco at Ywey Kuo sa stock room sa ikatlong palapag ng kanilang bahay.

Bukod sa pinugutan, tsinap-chop pa ang katawan nito at tinanggalan pa ng laman-loob.

Ayon sa mga anak ng biktima, noong Pebrero 22 ng umaga ay hindi na nila nakita ang kanilang ina na inakala nilang umalis lang nang walang paalam.

Kamakalawa (Pebrero 23), alas-2:30 ng madaling araw  ayon kay Joanne Jane, nanaginip siya na kinakusap siya ng kanyang ina sa may stockroom ng kanilang bahay at bigla siyang nagising at kinutuban.

Dahil dito nagbakasali ang magkapatid na puntahan ang kanilang stockroom na nang kanilang buksan ay doon na umalingasaw ang mabahong amoy.

Dito nakita nila ang berdeng kumot na doon nga na­kabalot ang katawan ng bik­tima. Maging ang ulo na ti­napyas pa ang mukha.

Hindi pa rin natatagpuan ang mga kamay at paa at iba pang parte ng ginang na  posibleng inilagay sa septic tank.

Kaagad namang dinakip ang mister nito na pinaniniwalaang responsable sa karumal-dumal na krimen. Sa nakalap na impormasyon, sinasabing registered surgeon ang suspect na Taiwanese.

Napag-alaman, na matin­ding selos umano ang dahilan nang karumal-dumal na pagpatay ng suspek sa kanyang misis, dahil naghihinala ang una na may kalaguyo ang huli. Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with