^

Metro

Operasyon ng Valisno bus, sinuspinde ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30-araw ang operasyon ng buong fleet o tigil pasada ang lahat ng sasakyan ng Valisno Express bus makaraan ang pagkamatay ng 4 na pasahero nito at pagkasugat ng 18 iba pa sa boundary ng Caloocan at Lagro sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty Ariel Inton, board member ng LTFRB, buong fleet ang sinuspinde ng ahensiya dahil sa tindi ng pinsala ng aksidente. Ang desisyon anya ay batay sa napagkasunduang ilapat na inisyal na parusa sa Valisno makaraang isagawa ang emergency meeting ng board ng ahensiya tungkol sa aksidente.

“Because of the gravity and frequency of the bus accident, ginawa naming buong fleet ang suspension diyan” pahayag ni Inton.

Niliwanag din ni Inton na hindi naman maaapektuhan ng suspension ang  hindi pagbiyahe ng mahigit 60 units ng Valisno express bus company dahil may iba pang bus company ang may ruta din ng kaparehong ruta ng Valisno na San Jose del Monte puntang NAIA and vice versa.

Anya, inatasan na rin ang may-ari ng bus company na mag­paliwanag kung bakit hindi maaaring maparusahan at masus­pinde ang prangkisa kaugnay ng naganap na aksidente.

Inutos na din ng LTFRB na isailalim sa road worthiness test sa LTO ang lahat ng pampasaherong bus ng kumpanya at isa­ilalim sa drug test ang mga driver nito.

ACIRC

ANG

ANYA

ATTY ARIEL INTON

BUS

INTON

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

QUEZON CITY

SAN JOSE

VALISNO

VALISNO EXPRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with