^

Metro

Bus salpok sa poste: 4 patay, 18 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na pasahero ang iniulat na nasawi habang umabot sa 18 pa ang nasugatan makaraang sumalpok ang isang pampasaherong bus sa isang kongkretong poste na boun­dary marker na nagresulta sa tulu­yang pagkawasak nito sa ka­habaan ng Quirino Highway sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon kay Senior Insp. Marlon Meman, hepe ng Quezon City Police District Traffic Sector 2, sa inisyal na pagsisiyasat na kanilang ginawa, isa sa apat na nasawi ang natukoy na ang pangalan. Ito ay si Eduardo Agabon, 39; habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlo pang nasawi kung saan isa sa mga ito ay babae.

Ayon kay. Meman, kasalukuyang ginagamot naman sa Tala hospital ang mga sugatan na nagtamo ng mga sugat sa mukha, braso at katawan.

Ayon pa sa opisyal, ang mga nasabing biktima ay sakay ng Valisno bus (TXV-715) na minamaneho ng isang George Pacis, 35 nang mangyari ang sakuna sa kahabaan ng Qui­rino highway, partikular sa boundary ng signages ng Quezon City at Caloocan City, Brgy. Lagro sa lungsod, ganap na alas-7:20 ng umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat, binabaybay umano ng Valisno bus ang naturang highway ga­ling ng Regalado Avenue, patu­ngong Bulacan, nang pag­sapit sa harap ng La Mesa Dam ng Brgy. Lagro ay biglang nawalan ito ng kontrol.

Sinasabing sa sobrang bilis ng pagtakbo ng bus ay hindi na nagawang makapag-preno ni Pacis, hanggang sa salpukin ng kanang bahagi nito ang kong­kretong boundary marker na nakatayo sa lugar.

Sa lakas ng pagkabangga, natapyas ang halos kalaha­ting katawan ng bus at magtalsikan palabas ang mga pa­sahero na naging ugat para magtamo ang mga ito ng ma­tinding injuries sa kanilang mga katawan.

Dalawa sa mga biktima ang agad na nasawi habang naisugod pa sa magkakahiwalay na ospital ang ibang sugatan kung saan dalawa pa sa mga ito ang iniulat na dead on arrival. Agad namang tumakas ang driver ng bus na si Pacis pero nadakip ito ng mga awtoridad ilang oras matapos ang insidente.

Sabi ng ilang nakaligtas na pasahero, masyado umanong mabilis ang takbo ng kanilang bus na tila nagkakarera, kung kaya pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada ay hindi na nakontrol ng driver ang sasak­yan hanggang sa bumangga na.

Kasong reckless imprudence resulting in damage to property with multiple physical injuries at multiple homicide ang kinakaharap ngayon ng driver.

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

BUS

CALOOCAN CITY

EDUARDO AGABON

GEORGE PACIS

LA MESA DAM

MGA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with