^

Metro

Nakalusot sa huli sa number coding dahil sa calling card, PNP General nakaladkad sa pinost ng FHM model

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakaladkad sa kontro­bersya ang isang heneral ng PNP matapos na maipost at ipagmalaki ng isang FHM model sa social net­working site ang paggamit nito ng calling card ng opisyal para makalusot sa number coding­  sa isang lugar sa Metro Manila.

Si FHM model Alyzza Agustin ay umani ng batikos sa mga netizen sa ipinoste nito sa kanyang facebook account.

“Please assist may EA, Alyzza Agustin,” na nakasaad sa calling card na pirmado ni PNP Director for Plans P/Director Alexander Ignacio  na ibinigay sa FHM model.

Kasunod ng photo ng calling card ay ang mga ka­tagang sinulat ni Alyzza na kanyang naipost ay  ang “Nahuli na naman ako dahil coding but because of you Boss Alex wala nang huli- huli. Thank you so much sa napaka-useful mong card with matching dedication,” ani Agustin sa kanyang post.

Nabatid pa na hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ng FHM model ang calling card in Ignacio para makalusot sa number coding ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid na si Agustin ay kabilang sa FHM 100 Sexiest Women sa   taong 2013.

Samantalang nagtataka rin ang netizen kung ano ang ibig sabihin ng EA na isinulat ng heneral.

Bilang reaksyon, sinabi naman ni PNP Spokesman Senior Supt. Wilben Mayor­ na si Ignacio ay nasa ibayong dagat.

Samantalang bahala na rin umano si  Ignacio na mag­paliwanag sa isyu sa pagbabalik nito sa bansa.

AGUSTIN

ALYZZA AGUSTIN

BOSS ALEX

DIRECTOR ALEXANDER IGNACIO

IGNACIO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with