Miyembro ng Tau Gamma Phi sumuko na
MANILA, Philippines — Sumuko na ngayong Martes ang isa sa 15 suspek sa pagkamatay sa hazing ng 18-anyos na estudyante ng De La Salle-College of Saint Benilde.
Ayon sa Manila Police District (MPD), bandang tanghali sumuko ang hindi pinangalanang suspek na nasa likod ng hazing rites na ikinasawi ni Guillo Servando.
Isiniwalat ng suspek na sa lungsod ng Makati naganap ang hazing bago dinala sa One Archer's Place condominium sa may Taft Avenue, Manila ang biktima.
Sinabi pa ng MPD na inihahanda na nila ang mga kaukulang papeles para sa pag-turnover ng suspek sa Makati police.
Samantala, ikinalungkot ng Tau Gamma Phi ang kinahinatnan ni Sevando.
“The Tau Gamma Phi strongly condemnds the violence inflicted against Guillo Cesar Servando. The fraternity does not and will not condone this kind of incident.
Iginiit ng fraternity na mahigpit nilang ipinagbabawal ang hazing sa kanilang samahan, ngunit sadya anilang may mga chapter na hindi sumusunod.
“It regrets that some of its chapters may not have abided by the fraternity's “no hazing” policy thus resulted to this unfortunate incident.”
- Latest