^

Metro

Bernice Lee laya na matapos makapagpiyansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakalaya na ang kapatid ng negosyanteng si Cedric Lee na si Bernice matapos makapagpiyansa para sa kasong grave coercion na inihain ng artistang si Vhong Navarro.

Inaresto kagabi si Bernice sa kanyang bahay sa Greenhills West sa San Juan matapos ilabas ng Taguig Metropolitan Trial Court Branch 74 ang arrest warrant nitong nakaraang linggo.

Nagbayad ng P12,000 piyansa si Lee kaugnay nang pambubugbog kay Navarro noong Enero 22 sa loob ng Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City.

Kaugnay na balita: Walang piyansa: Arrest warrant vs Lee, Cornejo inilabas na

"Bernice Lee ... posted a required cash bail bond in the amount of P12,000 deposited to the Office of Clerk of Court dated April 22, 2014 for her provisional liberty," sabi ni Judge Bernard Bernal sa release order.

Kahapon ay inilabas din ng korte ang arrest warrant para naman sa kasong serious illegal detention ngunit hindi kabilang si Bernice Lee sa mga pinaaaresto.

Hanggang ngayon ay nagtatago si Cedric.

Kaugnay na balita: Suspek sa kaso ni Vhong nais maging witness

Samantala, isa sa mga suspek ang nais bumaligtad at maging state witness ayon kay Justice Secretary Leila de Lima.

vuukle comment

BERNICE

BERNICE LEE

CEDRIC LEE

FORBESWOOD HEIGHTS CONDOMINIUM

GREENHILLS WEST

JUDGE BERNARD BERNAL

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAUGNAY

OFFICE OF CLERK OF COURT

SAN JUAN

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with