Walang piyansa: Arrest warrant vs Lee, Cornejo inilabas na
MANILA, Philippines — Inilabas na ng Taguig Metropolitan Trial Court ngayong Lunes ang arrest warrant para sa kasong serious illegal detention laban sa negosyanteng si Cedric Lee, modelong si Deniece Cornejo at iba pa nilang kasamahan.
Si Judge Paz Esperansa Cortez ng Taguig MeTC Branch 271 ang naglabas ng arrest warrant para sa naturang kaso na inihain ni TV host Vhong Navarro laban kina Lee, Cornejo, Sajed "Jed Fernandez" Abuhjileh, Simeon Raz at Ferdinand Guerrero.
Wala naman ang pangalan ng kapatid ni Lee na si Bernice at si Jose Paolo Gregorio Calma sa mga pinaaresto.
Kaugnay na balita: Suspek sa kaso ni Vhong nais maging witness
Nakapaloob sa serious illegal detention na kaso ang serious physical injuries, grave threats, illegal arrest at demand for money or random.
Walang piyansa ang naturang kaso.
"The panel [of prosecutors] did not give credit to the defense of the Respondents that Navarro was arrested [by Lee's group] under a valid citizen's arrest because he was caught attempting to rape Cornejo," pahayag ng Department of Justice.
Nitong Abril 11 ay nauna nang naglabas ang Taguig MTC Branch 74 ng arrest warrant para sa grupo ni Lee sa hiwalay na kasong grave coercion.
Kaugnay na balita: Vhong nagtataka sa arrest warrant vs Lee, Cornejo
Nagbayad na ng piyansang P12,000 si Cornejo at Abujileh para sa grave coercion na kaso habang walang aksyong ginawa ang iba pa nilang kasamahan kaya inilagay sila sa wanted list.
- Latest