Taas singil sa jeep ibinasura ng LTFRB
MANILA, Philippines – Hindi lumusot sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang hiling ng iba’t ibang jeepney operators na magpatupad ng P.50 provisional increase sa minimum fare.
Ibinasura ng LTFRB ngayong Martes ang petisyon ng Alliance of Concerned Transport Organization, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, Pangkahalatang Sangguniang Metro Manila and Suburb Association, Alliance of Transport Operations and Drivers Association of the Philippines, at Liga ng mga Tsuper at Operator sa Pilipinas Inc. na inihain noong nakaraang buwan.
Sinabi ni LTFRB chairman Winston Ginez na pinagbasehan ng Board ang kanilang desisyon sa datos na ibinigay ng Petron Corp. at ng Department of Energy.
Kaugnay na balita: Taas pasahe sa jeep dedesisyunan ng LTFRB ngayong linggo
"We are aware that any fare adjustment creates a direct effect in the rise of cost of living, which in return affects both the commuting public and goods being transported," pahayag ni Ginez.
Ayon sa Petron ay hindi naman naman umaabot sa P45 kada litro ang halaga ng diesel sa Metro Manila mula noong Mayo 2012 hanggang Enero 4, 2013.
Pinagtibay din ito ng DOE kung saan sinabi nilang nananatiling nasa ibaba ng P45 kada litro ang halaga ng diesel sa Metro Manila mula noong Setyembre hanggang Disyembre 2013.
"Batid namin ang kalagayan ng ating mga jeepney drivers, pero we appeal to them to follow our decision, otherwise we will be forced to impose sanctions on transport groups that will defy the Board’s order not to increase minimum fares," sabi ni Ginez.
- Latest